Connect with us

Showbiz

Ion Perez nagbahagi ng ilang mga pogi tips upang makahanap ng “forever” ang ilang mga kalalakihan, tulad ng kung paano niya napukaw ang atensyon ni Vice Ganda!

Published

on

Si Benigno Dungo Perez️ o mas nakilala natin sa pangalang Kuya Escort Ion Perez ay 30 taong gulang na host, aktor, modelo at pageant title holder. Hindi na lingid sa kaalaman ng publiko ang naging kulitan nila noon ng kaniyang karelasyon na ngayon na si Vice Ganda.

Nobyembre 2018 nang inamin nilang opisyal na ang kanilang relasyon. Tunay nga na marami ang humusga sa kanilang pagmamahalan ngunit mas nagiging matatag sila dahil sa mga pambabatikos at panghuhusga na ito.

Kamakailan lamang ay nagbahagi si Ion ng isang video sa kaniyang vlog kung saan ipinasilip niya ang ginagawa niyang paghahanda para sa nalalapit nilang “lock-in taping”. Ipinakita ni Ion sa kaniyang latest vlog ang nakakalulang laki ng kanilang “walk-in closet”.

Ilan sa mga una niyang inihanda at pinagpilian ay ang mga jacket at damit na kaniyang isusuot. Noon pa man daw ay talagang mahilig na si Ion sa mga jacket dahil sa nadadala nito maging ang simpleng damit lamang na kulay itim o puti.


Madalas ring “body fit” at “plain” ang kaniyang mga kasuotan noon, ngunit ngayon ay nahihilig na siya sa mga “swag outfits” at mga “printed”. Maging sa kaniyang mga pantalon ay mapili din si Ion, ilan sa kaniyang mga paborito ay ang kulay itim, “brown”, at “khaki”.

Kapansin-pansin din naman ang napakaraming koleksyon niya ng mga sapatos. Hindi rin niya nakalimutang dalhin ang kaniyang mga “religious items” tulad ng “bracelet” at kwintas na nagsisilbing proteksyon daw niya sa tuwing siya ay lalabas ng bahay.

Mayroon din siyang dala na mga relo, “shades” at “sunglass”. Ang isa sa pinakaimportanteng dala niya ay ang kaniyang “Wi-Fi” na siyang gagamitin niya upang makapag-“report” sa kaniyang minamahal na si “Meme”.

Nagbigay din ng payo si Ion na subukan dapat ng ilang mga kalalakihan na magsuot ng “black suit”, itim, orange, at pink na mga bowtie dahil dito ay nabihag niya ang puso ni Vice Ganda.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media