Connect with us

Showbiz

Heart Evangelista, inalala ang mga panahon noong taong 2007 nang maranasan niyang magkaroon na lamang ng halagang Php30 sa kaniyang ATM!

Avatar

Published

on

Si Love Marie Payawal Ongpauco-Escudero o mas nakilala ng publiko bilang si Heart Evangelista ay 36 taong gulang na aktres, TV host, singer, visual media artist, philanthropist, at socialite. Siya rin ang kasalukuyang “first lady” ng probinsiya ng Sorsogon. Hindi na bago sa publiko ang kwento ng kaniyang buhay dahil na rin sa maaga siyang pumasok sa industriya ng showbiz.

Taong 2015 nang ikasal siya sa pulitikong si Chiz Escudero, siya ay dating senador at ngayon ay kasalukuyang nanunungkulan bilang Gobernador ng Sorsogon. Labing-limang taon man ang agwat ng kanilang edad ay hindi ito kailan man naging hadlang upang mabawasan ang pagmamahal nila para sa isa’t-isa.


Sa kabila ng mga pinagdaan na ito ni Heart ay mas lalo siyang minahal, sinuportahan at nirespeto ng publiko. Isa siya sa tinitingala pagdating sa “Fashion Industry”. Ngunit sa kabila ng mga tagumpay niyang ito sa buhay ay naranasan din pala niyang magkaroon na lamang ng halagang Php30 sa kaniyang ATM noong siya ay nagsisimula pa lamang sa pag-arte.

Ang rebelasyon na ito ay ibinahagi niya sa publiko noong Araw ng mga Puso na kaniyang ring ika-36 na taong kaarawan. Hindi pinalampas ng kaniyang mga tagahanga ang vlog na ito ni Dr. Aivee Teo na pinamagatan niyang “All About Love With Love Marie”.

Ayon sa naging pagkukwento ni Heart, talagang naranasan niya noong 2007 ang magkaroon na lamang ng halagang Php30 sa kaniyang ATM at minsan daw ay ang kaniya pang “assistant” ang nanlilibre sa kaniya ng hapunan dahil wala siyang perang pambili nito. Nang mga panahong iyon ay kasalukuyan niyang pinagbibidahan ang kaniyang proyektong “Hiram Na Mukha” na talagang naging pagsubok din sa kaniya dahil sa “prosthetics” na kailangan niyang isuot para sa kaniyang karakter.

Hindi naman siya nawalan ng pag-asa ng mga panahong iyon kung kaya naman makalipas ang 14 na taon ay isa na siya sa pinakasikat, pinakamayaman, at pinakamahusay na artista sa telebisyon.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media