Connect with us

Showbiz

Luis Manzano, mayroong nakakatuwang reaksyon sa relasyon ng kaniyang ama na si Edu Manzano at aktres na si Cherry Pie Picache!

Published

on

Sa dami ng mga nabababasa at napapanuod natin sa social media, hindi na nakapagtataka na mayroon tayong sari-saring komento tungkol sa mga ito. Maaaring ang ilan ay mayroong negatibong komento habang ang iba naman ay positibo.

Tulad na lamang nang napabalitang relasyon ng mga batikang artista na sina Cherry Pie Picache at Edu Manzano. Kamakailan lamang ay marami ang nagtatanong kung tunay ngang may relasyon ang dalawa dahil na rin sa mga sweet photos na madalas i-post ng aktres sa social media.

Kasama nila ang ilan sa malalapit nilang mga kaibigan nang mamasyal sila sa New York. Ilang mga larawan pa ang ibinahagi ng aktres kung saan makikitang kasama niya ang batikang aktor.

Sweet na sweet ang dalawa ayt talaga namang malapit sa isa’t-isa ang kuha ng mga larawan. Bagamat marami ang nagtaas ng kilay sa relasyon nilang ito na kinumpirma na rin ni Edu, marami din ang sumuporta sa kanila.

Ayon sa ilang mga netizens, wala naman daw masama na magkaroon sila ng relasyon lalo at pareho din naman silang single at malaya magmahal. Gayundin naman ay hindi na rin isyu sa ngayon ang kanilang edad kung saan si Edu ay 66 taong gulang na habang si Cherry Pie naman ay 51 taong gulang.

Labing limang taon man ang agwat ng kanilang edad ay hindi ito naging hadlang upang muli nilang buksan ang kanilang puso para sa isa’t-isa. Samantala, todo-suporta din naman ang anak ni Edu na si Luis Manzano sa kaniyang bagong pag-ibig.

Nalaman ito ni Luis nang ang isa sa kaniyang mga kaibigan ay nagpadala ng larawan sa kaniya. Larawan kung saan naroroon ang kaniyang ama, ang aktres at ang kanilang mga kaibigan.

“Date night” kung ilarawan niya ito ngunit sa halip na magulat o masorpresa ay talagang natuwa ito at sinabing:
“Feeling ko nga eh kung nagkataon lang na let’s say by next year, kunwari lang, we’re hoping and praying na maibalik ang prangkisa ng ABS, feeling ko baka si daddy saka si Tita Pie baka itapat sa KathNiel.” Komento ni Luis.

Masaya din daw si Luis dahil batid niyang masaya ang kaniyang ama sa piling ng bagong minamahal nito.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.