Connect with us

Showbiz

Ryzza Mae Dizon, ipinasilip sa publiko ang ipinundar na dream house para sa kaniyang pamilya!

Published

on

Si Ryzza Mae de Guzman Dizon o mas nakilala natin bilang si Aling Maliit o si Ryzza Mae ay 16 na taong gulang na aktres, host, at TV personality. Taong 2012 nang siya ay magwagi sa “Eat Bulaga’s Little Miss Philippines”.

Sa ngayon ay siya ng ikalawa sa pinakamabatang host ng longest running noon time show. Noon pa man ay talagang marami na ang humahanga sa kaniya dahil sa angkin niyang husay sa pagho-host dahilan upang magkaroon siya ng sarili niyang programa.

Ang “The Ryzza Mae Show” na umere ng taong 2013 hanggang 2015. Talaga namang marami na rin siyang nagawang proyekto buhat noon.

Hindi maipagkakaila na sa murang edad ay nais na talaga niyang makatulong sa kaniyang pamilya. Mulat kasi siya sa hirap ng buhay kung kaya naman talagang hindi na lingid sa kaaalaman ng marami ang pagnanais niyang makaahon sa hirap.


At kamakailan lamang nga ay nagbahagi siya ng update sa ipinapagawa nilang dream house.

“Under construction na po ang aming dream house!!!” Pagbabahagi ni Ryzza sa kaniyang caption.

Binisita niya kasama ang kaniyang pamilya ang site nila sa Pampanga kung saan nasimulan na ang pagtatayo ng pangarap nilang bahay. Matatanaw sa lugar na ito ang napakagandang view ng Bundok Arayat.

Hindi rin naman nakalimutan ni Ryzza na magpasalamat sa Diyos dahil sa napakagandang biyaya na ito na natanggap ng kanilang pamilya. Maraming mga netizens ang bumati kay Ryzza dahil sa nasimulan na ang pagpapagawa nila ng kanilang dream house.

Tunay nga na maraming mga Pilipino ang nangangarap na magkaroon ng ganitong klase ng investment. Passive mang maituturing ngunit iba pa rin talaga ang ligayang hatid lalo na kung masisilayan moa ng lahat ng iyong pinagpaguran sa isang tahanan na talagang masasabi mong sa iyo na.

Magkakaroon na din ng mas maayos at mas komportableng tirahan ang host at ang kaniyang buong pamilya.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media