Connect with us

Showbiz

Bunsong anak ni Sunshine Cruz na si Chesca, nagdiwang ng kaniyang ika-16 na taong kaarawan!

Published

on

Si Sunshine Cruz ay 44 taong gulang na aktres at singer. Bahagi siya ng angkan ng mga Cruz sa showbiz na kilala hindi lamang sa talento nila sa pag-arte kundi maging sa pag-awit.

Taong 2000 nang ikasal siya sa batikang aktor na si Cesar Montano ngunit napawalang-bisa rin ang kanilang kasal noong 2013. Maraming naging rebelasyon noon si Sunshine kung bakit ninais niyang hiwalayan ang dating asawa.

Ito ay dahil sa pagmamalupit nito sa kaniya at dahil na rin sa pambabae nito. Nang sila ay tuluyan nang maghiwalay ay mag-isang itinaguyod ng aktres ang tatlo nilang mga anak na sina Angelina Isabele, Samantha Angelene, at Angel Franchesca.

Sa ngayon ay masaya na siya sa piling ng kaniyang longtime boyfriend at partner na si Macky Mathay IV na half-brother naman ni Ara Mina. Nito lamang Disyembre 1 ay binati ni Sunshine ang kaniyang bunsong anak na nagdiwang ng ika-16 na taong kaarawan nito.

Nasa trabaho siya ng mga panahong iyon kung kaya naman maaga na siyang bumati para sa espesyal na araw ng kaniyang anak.

“You are a smart, talented and beautiful young lady. I’ve always believed you will make good choices in life. I am here for you always! I will guide you, protect and support you in every possible way. I love you Chesca. Let’s celebrate your 16th when mom gets back home from my lock in taping.” Pagbati ni Sunshine.


Nakasama din naman siya ng kaniyang mga anak noong Disyembre 4 kung kailan nila ipinagdiwang ang kaarawan ni Chesca. “Rock n’ roll” theme ang napili niya para sa kaniyang Sweet 16 celebration.

Hindi rin naman nakaligtaan ng kaniyang mga kapatid na batiin siya sa kaniyang kaarawan:
“Please don’t grow up too fast (we are already the same height), will always rely on you when it comes to which films to watch or books to read & in case you don’t already know i love you so so much!!!!” Pagbati ni Angeline.

“Happiest sweet 16 to my forever singing and dancing partner. I love you!” Pahayag naman ni Sam.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.