Connect with us

Showbiz

Unico hijo ni Cherry Pie Picache, todo-suporta sa relasyon ng kaniyang ina sa aktor na si Edu Manzano!

Published

on

Si Cherry Pie Sison Picache o mas sumikat sa pagkakakilanlan na Cherry Pie Picache ay 51 taong gulang na aktres. Marami na siyang nagawang teleserye, pelikula at maging sa independent films ay talagang ipinamalas rin niya ang pambihira niyang husay sa pag-arte.

Minsan na rin natin siyang napanuod sa mga TV commercial ng Palmolive, Camay, at Eskinol. Wala na nga siyang dapat pang patunayan dahil sa napamalas na niya ang angkin niyang talento sa ating lahat.

Naging isang mabuti rin siyang ina sa kaniyang anak na si Antonio “Nio” Tria na anak ng aktres sa dati niyang partner na si Gary Tria. Kamakailan lamang ay nasorpresa ang marami sa pag-amin ni Edu Manzano tungkol sa matamis nilang pagtitinginan ngayon ng batikang aktres.

Ito ay matapos mapansin ng publiko ang ilang mga sweet at nakakakilig na larawan nila sa kanilang New York trip kasama ang ilan sa kanilang mga kaibigan. Bagamat marami ang nagtataas ng kilay sa relasyon nilang dalawa ngayon, marami din naman ang nagbibigay suporta sa kanila dahil wala naman daw talagang edad pagdating sa tunay na pag-ibig.

Marami din ang nagsasabing single naman sila pareho at wala naman silang asawa o karelasyon kung kaya naman malaya silang magmahal ng kahit sino. Nang maisalang naman ang anak ng aktres na si Nio sa Kapamilya Chat ng ABS-CBN Entertainment sa YouTube para sa nalalapit nilang palabas sa iQiyi na “Saying Goodbye” na pinagbibidahan nina Andrea Brillantes at Seth Fedelin.

Dito ay nagpahayag ito ng kaniyang saloobin patungkol sa relasyon ng kaniyang ina.

“Kasi alam ko naman po na nililigawan na ni Tito Edu yung mom ko. Nung nalaman ko na nabalita na, ‘Ah, ok, good, nabalita na. Sana ok yung reaction ng mga tao or yung mga Kapamilya.’” Pahayag ni Nio.

“Oo, approve ako. Siyempre sinu-support ko yung mom ko. Kasi siyempre malaki na siya, e. Alam na niya ang mga ginagawa niya. Matanda na siya, alam na niya yun. Ako naman, siyempre Mama’s boy ako, siyempre she deserves her own happiness din, di ba? I mean, yung pagkakaroon ng relationship with someone else doesn’t remove the fact that she is still my mom, di ba? Siyempre, woman pa rin siya. She deserves love. I just want my mom to be happy kaya support ako sa kanya, support ako sa kanila.” Dagdag pa ni Nio.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.