Connect with us

Showbiz

Sunshine Cruz at nobyo nitong si Macky Mathay, masayang ipinagdiwang ang kanilang 5th anniversary!

Published

on

Si Sunshine Cruz ay 44 na taong gulang na aktres at singer. Siya ay bahagi ng isang kilalang angkan sa industriya ng showbiz, ang mga Cruz.


Hindi lamang sila kilala sa pambihirang talento nila sa pag-arte kundi maging sa nakakamangha nilang tinig sa pag-awit. Si Sunshine ay isa sa mga sikat na aktres na hinahangaan pa rin natin hanggang sa ngayon.

Madalas pa rin siyang makita sa mga teleserye at pelikula. Siya ay ikinasal noon sa aktor at direktor na si Cesar Montano ngunit pagkalipas ng 13 taon ay napawalang-bisa rin ang kanilang kasal.

Naiwan sa pangangalaga ng aktres ang tatlo nilang mga anak na babae, sina Angelina Isabelle, Angel Francheska , at Samantha Angeline. Hindi man naging matagumpay ang relasyon nina Cesar at Sunshine noon ay muli siyang nabigyan ng isa pang pagkakataon na magmahal.


Ito ay sa katauhan ni Macky Mathay na kapatid ng aktres na si Ara Mina. Taong 2016 nang magsimula ang matamis nilang pagtitinginan. Ngayong taon ay ipinagdiriwang nila ang ikalimang taong anibersaryo nila bilang magkarelasyon.

Marami naman ang kinilig dahil sa napakagandang sorpresa ni Macky para kay Sunshine. Naghanda kasi siya ng napakagandang mga bulaklak para sa kaniyang minamahal.

Bagamat nakakaranas pa rin tayo ng mahirap na sitwasyon dahil sa pandemya ay nagawa pa rin nilang ipagdiwang ang espesyal na araw na ito nang magkasama. Maraming mga netizens din naman ang nagsabi na bagay na bagay talaga silang dalawa para sa isa’t-isa.

Hindi lamang dahil sa pareho silang gwapo at maganda kundi dahil na rin tanggap nila ang nakaraan ng isa’t-isa. Pareho silang nagkaroon ng asawa noon at nabiyayaan din ng mga anak.

Masayang masaya sila dahil sa magkasundo rin ang kanilang mga anak. Marami na din ang tumutukso sa dalawa na magpakasal na ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring kumpirmasyon mula sa magkabilang panig.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media