Connect with us

Showbiz

Cha-Cha Cañete: Mula sa isang pagiging bulilit, ngayon ay isang ganap na dalaga na!

Published

on

Si Thrisha Luise Cañete ay mas nakilala nating lahat bilang si Cha-Cha Cañete o si Bulilit. Siya ay 16 na taong gulang na. Isa siyang mahusay na aktres at mang-aawit.

Una na natin siyang nasilayan sa isang TV commercial noong siya ay 4 na taong gulang pa lamang. Naging mukha kasi siya ng isang sikat na real-estate. Sa kaniyang pamosong TV commercial ay gumanap siya bilang isang bata na nasanay sa isang masikip na tahanan.

Ngunit nabigyan sila ng pagkakataon na makatira sa isang maayos at komportable bahay. Hindi dito nahinto ang kaniyang karera sa showbiz dahil sa nabigyan pa siya ng mas maraming mga proyekto.

Isa na rito ang pagiging “mainstay” niya sa “Goin’ Bulilit”. Nakagawa din siya ng iba pang mga commercial.

Hindi lubos akalain ng kaniyang mga tagahanga noon na hilig din pala niya ang pagkanta. Mayroon din talaga siyang natatanging talento sa pag-awit.

Kung noon ay mga manika lamang niya at laruan ang nakakarinig sa maganda niyang tinig, ngayon ay mas marami nang mga tao ang nakakapakinig sa kaniya. Mayroon din siyang bagong single ngayon na pinamagatang “Agwat”.

Sa edad na 16 na taong gulang ay marami na rin siyang napatunayan. Ngunit sa kabila ng kaniyang mga naging tagumpay ay nananatili pa rin siyang mapagpakumbaba.

Minsan na rin niyang ibinahagi sa naging panayam sa kaniya ng PEP.ph na batid niyang maraming mga humahanga sa kaniyang kabataan edad 12 taong gulang pababa kung kaya naman nais niyang maging maingat sa kaniyang mga sinasabi at maging sa mga awit na kaniyang kinakanta. Nais niya kasing maging isang magandang inspirasyon sa mga kabataang ito.

Sa kaniyang edad ay talagang mapapansin na “mature” na din siyang mag-isip.

“I have lots of young supporters, some below 12 years old. I have to consider them. I can’t sing about something that harms them. I have to be a role model to younger kids.” Pahayag ni Cha-Cha.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media