Connect with us

Showbiz

Julia Barretto, pinamangha ang kaniyang mga tagasuporta sa kaniyang pinagkakaabalahan sa tuwing wala siyang trabaho!

Published

on

Si Julia Francesca Barretto Baldivia o mas nakilala natin bilang si Julia Barretto ay 24 na taong gulang na aktres at modelo. Marami ang humahanga sa kaniya dahil sa pambihirang talento niya bilang isang artista.

Hindi lamang siya maganda dahil sa mayroon din siyang balingkinitang pangangatawan. Nito lamang nagdaang mga buwan ay talagang nasorpresa ang publiko nang kumpirmahin nila ng aktor na si Gerald Anderson ang kanilang relasyon.

Maaalalang nasangkot si Julia noon sa hiwalayang Gerald at Bea Alonzo dahil diumano sa panggo-ghosting ng aktor. Sa ngayon ay masaya naman na sila sa kanilang mga buhay.

Mayroon na ring sariling YouTube channel niya ang aktres na si Julia. Kamakailan lamang ay ipinasilip niya sa publiko kung ano nga ba ang pinagkakaabalahan niya sa tuwing wala siyang trabaho.

Sa kaniyang vlog ay ipinakita niya kung gaano siya kaabala sa paglilinis at pag-aayos ng kaniyang bahay. Talaga namang napakaaliwalas at napakaganda ng bahay ng aktres.

Ito ay mula mismo sa kaniyang pagsusumikap sa trabaho. Bagamat mula sa kilalang showbiz family ang dalaga ay talagang nagsumikap siyang makilala sa industriya nang dahil sa kaniyang talento.
Ilang mga larawan din ang ibinahagi niya sa kaniyang social media account kung saan makikita kung gaano siya ka-sexy. Suot ang kaniyang puting sleeveless top at komportableng pants na gray ay sinimulan niyang linisin at ayusin ang kaniyang bahay.

Marami naman sa kaniyang mga tagahanga ang nasorpresa sa ginawang ito ng aktres. Hindi kasi nila akalain na ganito pala siya ka-hands-on pagdating sa kalinisan at kaayusan ng kaniyang bahay.

Mayroon ding ilang mga netizens ang nagsasabing tiyak na magiging mabuti siyang may bahay kung sakaling magkatuluyan sila ni Gerald. Sa panahon natin ngayon, wala na nga talagang maililihim pa sa publiko.

Marami na sa atin ang mayroong sarili nating social media accounts kung saan maaari nating masilip ang mga kaganapan sa buhay ng mga paborito nating artista at personalidad.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media