Connect with us

Showbiz

Nasirang komedyante na si Mahal, tila naghabilin at nagpaalam na kay Mura sa pinakahuling vlog nito!

Published

on

Likas nang masayahin ang mga Pilipino. Sa kabila man ng napakaraming mga pagsubok at problema sa buhay at talagang makakahanap pa rin tayo ng dahilan upang maging masaya.

Dahil dito ay hindi na nakapagtataka na maraming mga Pilipino ang sumisikat bilang isang mahusay na komedyante. Isa na sa pinakasikat na tambalan noon ay sina Mahal at Mura.

Talagang marami silang napasayang tao noon hanggang sa ngayon dahil sa likas nilang talento sa pagpapasaya ng mga tao. Kamakailan lamang ay naantig ang publiko sa ginawang pagbisita ni Mahal kay Mura.

Nasa probinsiya na ngayon si Mura at dito tahimik na naninirahan kasama ang kaniyang pamilya. Pagsasaka at pagtatanim ang ilan lamang sa ikinabubuhay ng mga tao dito.

Talagang naging malaking hamon para kay Mura ang nagdaang mga taon dahil sa pandemya. Wala na rin siyang natatanggap na mga proyekto kung kaya naman talagang nawalan na siya ng pag-asa.


Ngunit nang minsan siyang maitampok sa vlog ni Virgelyncares 2.0 ay talagang inulan siya ng maraming mga biyaya. Dahil din sa vlog na ito ay muli siyang nakamusta ng kaniyang kaibigan na si Mahal ngunit sa kasamaang-palad ay pumanaw na si Mahal sa edad na 46 taong gulang dahil sa COVID-19 at “gastro illness”.

Maraming mga netizens ang nakapanuod sa vlog ni Mahal at ni Mura sa YouTube channel nitong “MAHAL” kasama si Mygz Molino. Tila naging premonisyon ang sinabi ni Mahal kay Mura na masaya siyang nakatulong sa kaniyang kaibigan kahit kaunti para kahit mawala man siya sa mundo ay mayroon siyang maiiwan para sa kaniya.

Marami ang humanga sa pagiging matulungin ni Mahal at talagang likas ang pagiging masayahin nito. Hindi na nakapagtatakang marami sa kaniyang mga kaibigan at nakatrabaho sa industriya ang labis na nagdadalamhati ngayon sa pagpanaw ng komedyante.

Tunay nga na dapat mas maging maingat tayo ngayong panahon ng pandemya dahil sa hindi natin sigurado ang ating kinabukasan.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media