Connect with us

Showbiz

Buboy Villar, sobrang nagulat sa reaksyon ni Ruru Madrid sa kaniyang “utang prank”!

Published

on

“Utang”, maiksing salita lamang ngunit talagang kinatatakutan ng marami. Iilan na lang kasi sa atin ngayon ang marunong magbayad ng utang sa napag-usapang oras at panahon.

Kadalasan, kapag nagpapautang tayo, tayo pa mismo ang nahihiyang maningil sa taong umutang sa atin. Lalo na kung ito ay malapit nating kaibigan o kamag-anak. Sabi nga ng mga matatanda, kapag nagpautang ka ng pera sa iba, huwag mo nang asahan na ibabalik pa sa iyo.

Isipin mo na lang na tulong mo na ito sa iyong kapwa. Ngunit siyempre, hindi rin naman lahat tayo ay mayroong ekstra na pera upang maipangtulong sa iba.

Karamihan din kasi sa atin ay maraming responsibilidad at obligasyon sa ating mga pamilya bukod pa ang mga bagay na ating pinaglalaanan ng pinaghirapan nating pera. Kamakailan lamang ay nagbahagi ng isang video si Buboy Villar kung saan maririnig sa kabilang linya ang kaibigan niyang si Ruru Madrid

Kinausap ni Buboy si Ruru kung maaari daw siyang makahirap dito ng Php250,000 dahil bumili siya ng pangarap niyang sasakyan na Mercedes Benz. Nagkasabay-sabay daw kasi ang kaniyang mga bayarin kung kaya naman kinailangan niyang humingi ng tulong sa aktor.

Magaan namang nakausap ni Buboy si Ruru at sinabing kakausapin niya ang kaniyang ina patungkol sa inuutang niya. Kalaunan ay nagpasya na si Ruru na bibigyan na lamang daw niya siya ng Php150,000 at huwag na niyang bayaran.

Ito ay dahil sa matagal na rin naman silang magkaibigan at inaanak din niya ang mga anak ng aktor. Laking gulat naman ni Buboy dahil sa busilak na kalooban ng kaniyang kaibigan.

Marami ding mga netizens ang talagang nagulat sa naging reaksyon na ito ni Ruru. Hindi naman kasi lahat ng kaibigan natin ay mapapahiram o di kaya naman ay matutulungan tayo lalo na at malaking pera ang pinag-uusapan.

Isang tunay na kaibigan nga si Ruru at mapalad si Buboy na makatagpo ng kaibigang katulad niya.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media