Connect with us

Showbiz

Lolit Solis pinahayag na ang kaniyang sagot kung bakit nga ba si Yen Santos ang kasama ni Paolo Contis sa Baguio!

Published

on

Mainit pa ring usapin ang naging paghihilaway nina LJ Reyes at Paolo Contis. Anim na taon din kasi ang naging relasyon ng dalawa at talaga namang marami din ang na-inspire sa kanilang pagmamahalan.

Bagamat pareho silang mula sa mga naunang relasyon nila noon kung saan nagkaroon na din sila ng mga anak ay nagawa pa rin nilang maging masaya sa kung ano mang mayroon sila hanggang sa dumating sa buhay ni ang anak nilang si Summer. Ngunit nito lamang Setyembre ay ibinahagi ni LJ sa batikang host na si Boy Abunda ang naging karanasan niya sa naging paghihilaway nila ng aktor.

Siya ay kasalukuyang naninirahan sa Amerika kasama ang kaniyang pamilya gayundin ang dalawa niyang anak na sina Aki at Summer. Ayon sa ilang mga bali-balita, si Paolo Contis daw ay diumanong gumagamit ng ipinagbabawal na gamot, mayroong ibang babae at iyon nga ay ang aktres na si Yen Santos.


Maraming mga netizens ang nagbahagi ng kanilang mga larawan habang sila ay magkasama sa Baguio. Dito na nga nagsimula ang mga usap-usapang may namamagitan sa kanilang dalawa na agad namang pinabulaanan ng aktor.

Hindi daw ito totoo kung kaya naman huwag na daw nilang idamay pa ang aktres. Kamakailan lamang ay ibinunyag na din ni Lolit Solis ang kasagutan sa tanong na bakit si Yen ang kasama ni Paolo sa Baguio City at hindi ang mga kaibigan nitong lalaki o siya mismo na nanay-nanayan ng aktor.

Sa naging tanong ni Mr. Fu sa batikang kolumnista sa “Take It Per Minute” ay sinabi nitong matalik silang magkaibigan ni Yen at dahil daw masarap kausap si Yen sa buong maghapon. Tinanong din si Lolit kung naniniwala ba siyang magkaibigan lang ang dalawa at agad naman itong sumang-ayon.

Si Lolit ay isang talent manager at kilalang kolumnista. Siya ang manager ni Paolo Contis at dati rin siyang manager ni Mark Herras.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media