Connect with us

Showbiz

Gardo Versoza, hindi nahihiya na tulungan ang kaniyang misis sa paglalaba kahit pa nga siya ay isang bruskong lalaki!

Published

on

Si Mennen Torres Polintano mas hinangaan natin bilang si Gardo Versoza ay 51 taong gulang na aktor sa Pilipinas. Mahigit sa 40 mga pelikula at teleserye na rin ang kaniyang nagawa sa kabuuan ng kaniyang karera.

Marami ang humahanga sa kaniya dahil talagang nagagampanan niya ng husto ang kaniyang mga karakter. Maliban dito ay isa rin siyang masayahin at palabirong tao kung kaya naman marami sa kaniyang mga katrabaho ang nakakapalagayan niya agad ng loob.

Kamakailan lamang ay nasorpresa ang publiko dahil hindi lamang pala siya mahusay sa kaniyang napiling larangan dahil isa rin siyang mabuti at masipag na mister. Sa kabila ng pagiging bruskong lalaki niya ay hindi niya ikinakahiya ang pagtulong sa gawaing-bahay lalo na ang paglalaba.


Kamakailan lamang ay nagbahagi siya ng isang larawan niya habang nagsasampay. Narito ang naging caption niya sa kaniyang post:
“never be ashamed of doin d laundry, real men do d laundry” Pahayag ng batikang aktor.

Tunay nga na hindi lahat ng lalaki ay kayang kumilos at tumulong sa gawaing-bahay. Noon pa man ay isa nang malaking argumento na sa mag-asawa ang mga gawain sa bahay tulad na lamang ng paglilinis, paglalaba, pag-uurong, pagluluto, at marami pang iba.

Naging lumang kaisipan na kasi na ang mga kababaihan ang dapat nag-aasikaso sa bahay at nagpapalaki ng kanilang mga anak habang ang mga kalalakihan lamang ang maghahanap-buhay para sa pamilya. Sa paglipas ng panahon, marami na talaga ang nagbago para na rin sa ikabubuti ng lahat.

Ngunit aminin man natin o hindi marami pa rin sa atin at maging sa iba pang mga dayuhang bansa ang mayroong lumang kaisipan patungkol sa pagiging pantay ng mga lalaki at babae sa ating lipunan. Kung kaya naman sa post na ito ni Gardo, mas maraming mga kalalakihan ang magbibigay halaga sa ginagawang pag-aasikaso ng kanilang asawa sa kanilang bahay at pamilya.

Hindi rin naman kailangan ng mga nanay o misis ang kahit anong bagay para lamang maramdaman nilang mahalaga sila, isang mahigpit na yakap o halik lamang ay napakalaking bagay na sa kanila.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media