Connect with us

Showbiz

Aktres na gumanap bilang si Marimar noon, nagdiwang ng kaniyang ika-50 taong kaarawan at talagang napakaganda pa rin nito!

Published

on

Si Ariadna Thalía Sodi Miranda Mottola o mas nakilala natin bilang si Thalia ay 50 taong gulang na Mexican singer, businesswoman, at dating aktres. Isa siya sa pinakasikat na Latina sa buong mundo. “Queen of Latin Pop” kung ilarawan siya ng international media.

Nakapagbenta na din siya ng higit sa 25 milyong records sa buong mundo. Siya rin ang “Queen of Telenovelas” dahil sa hindi na mabilang na mga proyektong kaniyang nagawa.

Tulad na lamang halimbawa ng Maria Mercedes, Marimar, Maria la del Barrio at Rosalinda. Tunay nga na bago pa man tayo nahumaling sa maraming mga K-dramas ay una na natin siyang minahal bilang si Thalia.


Taong 2000 ay ikinasal naman siya kay Tommy Mottola na dating asawa ng sikat ding singer na si Mariah Carey. Ang pagsama nina Thalia at Tommy ay nabiyayaan ng dalawang supling, sina Sabrina Sakaë Mottola Sodi at Matthew Alejandro Mottola Sodi.

Nito namang Agosto 26 ay nagdiwang ng kaniyang kaarawan si Thalia. Nagbahagi din siya ng kaniyang mga larawan sa social media kung makikita ang makulay niyang dekorasyon sa tabi ng pool.

Marami ang nagulat dahil hindi mo mahahalata na 50-anyos na ang sikat na aktres at singer. Aakalain mo pa ngang siya ay dalaga pa dahil sa balingkinitan niyang pangangatawan.

Hindi magkamayaw ang publiko sa pagbati sa kaniya sa espesyal na araw niyang ito. Talaga namang tumatak na sa puso at isipan ng maraming mga Pilipino ang isang katulad niya.

Marami din ang umaasa na muli siyang mapapanuod sa harap ng kamera ngunit abala ngayon si Thalia sa kaniyang mga negosyo at sa kaniyang pamilya. Sa panahon natin ngayon, marami na ang sumisikat at nagiging isang artista sa maikling panahon, ngunit ang pagkakaroon ng maraming mga tagahanga at tagasuporta ang isa sa pinakamagandang biyaya para sa mga artista lalo na sa mga nagsisimula pa lamang.

Kung kaya naman tiyak na maraming matututunan ang mga pasibol palang na artista sa mga batikan nang artista tulad na lamang ni Thalia.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media