Connect with us

Showbiz

Ethel Booba mayroong sorpresang regalo para sa kaniyang partner na isang napakagandang sasakyan bilang selebrasyon sa Araw ng mga Ama!

Published

on

Mayroon tayong kaniya-kaniya nating kahulugan pagdating sa totoong tagumpay. Maaaring para sa iilan sa atin ay ang pagkakaroon ng maayos na trabaho at malaking kita ang maituturing nilang tagumpay.

Marami din naman sa atin ang nagsusumikap sa ating pag-aaral upang makamit ang diplomang matagal na nating inaasam-asam, tagumpay ito para sa atin. Para din naman sa ilang mga Pilipino, ang pagkakaroon ng sarili nating pamilya – asawa at mga anak ang isa sa pinakamagandang tagumpay na maaari nating makamit sa buhay.

Tunay nga na nakamit na rin ni Ethel Booba ang tagumpay na matagal na niyang dinarasal. Nakatagpo na siya ng taong mamahalin niya habang buhay sa katauhan ng kaniyang non-showbiz partner na si Jessie Salazar.

Mayroon na silang isang anak, si Baby Michaela. Kamakailan lamang ay itinampok ng sikat na komedyante sa kaniyang vlog ang naging pagdiriwang nila ng Father’s Day sa isang hotel sa Cebu City.

Nagpahanda pa siya ng mga lobo, chocolate cake, at isang “heart-shape” na mga pinuno ni Ethel ng “Trust”. Tuwang-tuwa naman ang kaniyang partner sa kaniyang inihandang sorpresa.

Maliban pa pala dito ay naghanda rin ng isang pick-up truck si Ethel sa parking area ng kanilang hotel na agad namang minaneho ng ni Chef Jessie. Walang pagsidlan ang kaniyang kaligayan ng makita niya ang bonggang sorpresa sa kaniya ang kaniyang minamahal.

Nang matapos ang test drive ng dalawa ay laking gulat na lamang ni Chef nang lumapit sa kanila ang isang lalaki na nagngangalang Dave. Siya pala talaga ang may-ari ng sasakyan at sorpresa niya ito sa kaniyang ama para sa Father’s Day.

Prank lamang pala ito ni Ethel para sa kaniyang partner. Gulat na gulat naman at hindi makapaniwala si Chef Jessie sa nangyari. Sabi naman ng komedyante ay sa Maynila na lamang sila bibili ng sasakyan.

Gusto daw niya ng van para mas malaki at kasya ang gamit ng kanilang unica hija.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media