Connect with us

Showbiz

Ethel Booba, ibinahagi sa publiko ang isang napakaganda at napakalawak na resort na diumano’y bunga ng kaniyang pagyu-Youtube!

Published

on

Hindi man maganda ang pagpasok ng mga nakaraang taon sa ating mga Pilipino dahil sa sunod sunod na mga sakuna sa ating bayan ay nagpapatuloy pa rin tayo sa ating mga buhay. Mas nagsusumikap tayong maging matatag sa kabila ng mga hamon at pagsubok na ating kinahaharap.

Marami ding nawalan ng trabaho at mga nagsarang negosyo ng mga nagdaang buwan ngunit talagang gumagawa pa rin ng paraan ang marami sa atin upang magkaroon ng ikabubuhay at pagkakaabalahan sa buhay. Isa na yata ang mga artista, singers, dancers, performers at mga komedyante sa mga naapektuhan ng pandemya.

Buti na lamang ay laganap na rin sa ngayon ang social media at pagba-vlogging kung kaya naman maaari na rin nila itong gawin. Isa na nga sa mga kilalang komedyante ang sinubukang maging isang vlogger at video content creator.

Walang iba kundi si Ethel Booba. Kamakailan lamang ay mayroon na siyang higit sa 1 milyong mga subscribers. Maliban kasi sa likas na kay Ethel Booba ang pagpapatawa ay marami pa rin talaga siyang naibabahaging inspirasyon at maging katatawanan sa kaniyang mga viewers.

Kamakailan lamang ay naitampok niya ang ginawa niyang Father’s Day prank para sa kaniyang partner na si Jessie Salazar sa Cebu City. Hindi ito makapaniwala nang ipakita at ipa-test drive sa kaniya ng komedyante ang isang magarang pick-up.

Hindi niya alam ay pagmamay-ari pala ito ng kakilala ni Ethel na si Dave at ireregalo niya ito sa kaniyang ama para sa selebrasyon ng Father’s Day. At ngayon nga ay kinagigiliwan naman ang video ni Ethel habang inililibot ang kaniyang mga tagahanga sa isang napakaganda at napakalawak na resort.

Katas daw ito ng kaniyang pagba-vlogging kung kaya naman masayang masaya siya dahil sa naipundar niyang ito. Tunay nga na napakaganda at napakalawak talaga ng resort na ito at marami ang humanga sa kaniya dahil sa nagawa niyang makapagpundar ng ganitong klaseng resort, isang napakagandang investment sa tulad niyang showbiz personality.

Ngunit sa dulo ng kaniyang vlog ay mayroong dumating na isang babaeng lulan ng isang sasakyan. Tinawag niya itong madam at dinala rin ang kaniyang mga gamit. Ayon sa ilang mga ulat, ito pala ang anak ng tunay na owner ng resort ni Ethel Booba.


Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.