Connect with us

Showbiz

Bunsong anak nina Bangs Garcia at Lloyd Birchmore, nagdiwang ng kaniyang kaarawan at binyag sa London

Published

on

Si Bangs Garcia ay 34 na taong gulang na aktres at pintor mula sa Davao City. Noong siya ay aktibo pa sa showbiz ay talagang marami ang humahanga sa kaniya dahil sa angkin niyang kagandahan at kaseksihan.

Hindi rin maipagkakaila na mahusay din siyang gaganap sa kaniyang mga karakter bilang isang artista. Taong 2016 nang ikasal siya sa kaniyang nobyo na si Lloyd Birchmore.

At sa ngayon ay mayroon na silang dalawang anak, si Amelia na isinilang noong Disyembre 2017 at si Isabella naman na ipinanganal noong Hulyo 2020. Matagal nang hindi nasisilayan sa harap ng kamera si Bangs kung kaya naman marami talagang nag-aabang sa kaniyang mga vlogs.

Mayroon na siya ngayong YouTube channel na mayroong higit sa 200,000 na mga subscribers. Dito niya ibinabahagi ang masayang buhay niya ngayon bilang isang asawa at isang ina.

Kamakailan lamang ay nagdiwang ng unang taong kaarawan ang kanilang bunso na si Isabella. Kasabay ng selebrasyong ito ay ang kaniya na ring binyag.

Sadyang napakabilis ngang lumipas ng panahon dahil sa isang taon na ang nakararaan buhat nang isilang ng aktres ang kaniyang ikalawang anak. Nagkaroon sila ng masayang pagdiriwang sa London ng kaarawan at binyag ni Baby Isabella.

Todo suporta din naman ang kaniyang mister na si Lloyd. Makikita sa mga larawang ibinahagi ni Bangs online ang mga naging pagdiriwang nila kasama ang ilang mga bata at malalapit na kaibigan ng pamilya.

Tuwang tuwa din naman ang ate ni Baby Isabella na si Amelia. Masaya silang naglaro ng mga teddy bear kasama ang kanilang mga kaibigan.

Bilang mga magulang, wala tayong ibang gusto kundi ang ikasasaya ng ating mga anak. Nais nating lumaki sila ng malusog at masaya.

Pangarap din natin na magtagumpay sila sa kanilang buhay kung kaya naman tayo ay palaging nakasuporta para sa kanila anuman ang mangyari gaano man kadaming pagsubok ang ating kaharapin sa buhay.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media