Connect with us

Showbiz

Zsa Zsa Padilla, ibinida ang naging pagbisita niya sa Norte kung saan natikman niya ang pamoso nilang mga pagkain roon at nakita ang mga sikat na pasyalan na patok sa maraming mga turista!

Published

on

Ang pamamasyal o pagbabaksyon ang isa sa pinakamabisang paraan natin upang matakasan ang stress lalo na sa panahong inuulan tayo ng maraming mga pagsubok. Ngunit dahil na rin sa patuloy na pagkalat ng pandemya sa bansa ay mas maraming mga tao ang hindi na maaaring lumabas pa.

Wala na rin silang ibang mapagpipilian kundi ang manatili na lamang sa loob ng kanilang bahay at tahimik na kaharapin ang mga pagsubok na kanilang pinipilit na mapagtagumpayan. Buti na lamang at kahit na marami pa rin ang bawal lumabas sa ngayon ay maaari pa rin tayong makapamasyal sa pamamagitan ng mga posts at vlogs ng ating mga paboritong artista.

Tulad na lamang ng batikang mang-aawit na si Esperanza Perez Padilla o mas nakilala natin sa kaniyang screen name na Zsa Zsa Padilla. Sa ngayon ay 57 taong gulang na siya ngunit kahit na nga hindi na natin siya madalas makita sa harapan ng kamera ay maaari pa rin naman natin siyang mapanuod sa kaniyang YouTube channel.

Kamakailan lamang ay naitampok niya roon ang kaniyang pamamasyal sa napakagandang bayan sa Norte. Una na nga sa listahan ang Vigan City kung saan nakakwentuhan niya si Gov. Chavit Singson.

Natikman niya rin ang pamosong Vigan Longganisa, Vigan Empanada, Patupat, Tinubong, Dinoydoy, Pinakbet, at Poqui Poqui. Nakita rin niya at naranasan ang pottery making at loom weaving roon. Hindi rin naman niya pinalagpas ang pagkakataon na makita kung paano nga ba inihahanda at iniluluto ang kanilang Bagnet.

Nakapamasyal na din siya asa Calle Crisologo, Syquia Mansion Museum, at ang dating tirahan ng dati nating Pangulo na si Elpidio Quirino at nang kaniyang misis na si Alicia. Pumasyal din ang Divine Diva sa San Ildefonso City na sikat sa kanilang napakasarap na bulalo.

Talaga namang naging napakasaya ng pamamasyal na ito ni Zsa Zsa. Wala talagang makapapantay sa ganda ng Pilipinas kahit pa sa gitna ng pandemya, hindi ba?


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media