Connect with us

Showbiz

Angel Locsin at nobyong si Neil Arce, ibinahagi na sa publiko ang kanilang naging simpleng civil wedding!

Published

on

Nagsilbing inspirasyon sa maraming mga magkasintahan sina Angel Locsin at nobyo nitong si Neil Arce matapos nilang idaos ang kanilang kasal sa pamamagitan ng isang simpleng civil wedding ceremony. Maaalalang isinapubliko nila ang kanilang engagement noong taong 2019 at unti-unti silang nagplano para sa kanilang dream wedding.

Malaki ang pagbibigay natin ng importansiya sa pagpapakasal bilang mga Pilipino dahil hindi lamang ito pag-aasawa o pag-iisang dibdib dahil pagbubuklod din ito ng dalawang pamilya. Marami ang nasabik at naghintay na mapanuod ang magarbong kasalan sana nina Angel at Neil ngunit sa kasamaang-palad, dahil sa pandemya ay mas pinili na lamang nilang idaos na ito kaagad.

Wala na ngang nakapigil pa sa kasal nilang dalawa. Maaalalang taong 2011nang maging magkaibigan ang dalawa.

Agosto 2017 naman nang mapansin ng publiko ang pagbabahagi ng ilang larawan nilang magkasama sa isang opening ng dermatology clinic. May palitan din sila ng mga sweet message para sa isa’t-isa na kinakiligan din ng marami.

Taong 2020 sana sila dapat magpapakasal ngunit hindi ito natuloy dahil sa pandemya. At nito ngang Agosto 7, 2021 ay ibinahagi na nila sa publiko na sila ay mag-asawa na.

Naging simple lamang ng kanilang kasal. Simple lamang din ang kasuotan ng bagong kasal. Talagang marami ang namangha at bumilib sa kanila dahil kahit pa nga batid na ng buong mundo na mayroon silang kakayanan na magdiwang ng garbo ay hindi nila ito ginawa.

Bagkus ay mas naging praktikal at maingat sila lalo na sa panahon ng pandemya sa ngayon. Hindi nga maipagkakaila na si Angel ang isa sa pinakasikat na aktres ng kaniyang henerasyon.

Marami na siyang napatunayan sa kaniyang pag-aartista at marami na rin siyang natulungan na mga tao kung kaya naman karapat-dapat lang na maging maligaya sila sa piling ng isa’t-isa. Hindi rin magkamayaw ang mga fans ng dalawa sa pagbati para sa panibagong yugto ng kanilang buhay bilang mag-asawa.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media