Connect with us

Showbiz

Baby no. 5 nina Oyo Boy Sotto at Kristine Hermosa, naka-bonding ang kaniyang young-looking na lola!

Published

on

Isa na yata sa pinakamahirap na karanasan para sa isang babae ang pagdadalang-tao. Siyam na buwan na pagbubuntis, pagle-labor, at ang panganganak.

Ayon nga sa isang kasabihan, kapag ang isang babae ay nagsilang ng kaniyang sanggol ang isa sa kaniyang mga paa ay nakabaon na sa lupa. Sa kabila ng mga panganib na ito ay marami pa ring mga kababaihan ang nagnanais na magbuntis at magsilang ng anak para sa kanilang pangarap na pagbuo ng isang kumpleto at masayang pamilya.

Kamakailan lamang ay marami ang nagulat nang makita ang mga larawan ni Kristine Hermosa pagkatapos niyang manganak. Marami ang nagulat dahil napakaganda pa rin nito at tila ba walang paghihirap na naranasan.

Sobrang “blooming” at talaga namang batang-bata pa rin ang hitsura ng aktres kahit siya ay 37 taong gulang na. Napansin din naman ng kaniyang mga tagahanga ang kaniyang ina na si Maria Alma Hermosa-Orille, kahit lola na nga ay talagang batang-bata pa rin siyang tingnan.

Naka-bonding kasi ni Baby Vittorio ang kaniyang lola at ibinahagi ni Kristine ang kanilang larawan online. Nilagyan ito ng caption ni Kristine na “Mommy Lola & the morning sun”.

Hindi nga napigilan ng mga netizens ang punahin at purihin ang napakagandang mommy ni Kristine. Napakakinis at talagang young-looking pa din.

Hindi na nakapagtataka na mayroon ding ganoong kagandahan si Kristine at ang kapatid niyang si Kathleen. Nananalantay nga sa kanilang dugo ang kagandahan na taglay nila.

Sina Oyo at Kristine ay ikinasal noong 2011, biniyayaan sila ng limang mga anak sina Ondrea Bliss Sotto, Kristian Daniel Sotto, Marvic Valentin Sotto II, Kaleb Hanns Sotto, at ang kanilang bagong silang na baby na si Vittorio Isaac Sotto. Marami din ang nakapansin sa post ng aktres patungkol sa kaniyang pagbubuntis noon na nais talaga ng kanilang anak na si Ondrea na magkaroon ng kapatid na babae ngunit dahil sa baby boy na naman ang kanilang baby ay mukhang may balak pa ang mag-asawa na magkaroon pa ng baby no. 6!


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media