Connect with us

Showbiz

Angeline Quinto, ipinasilip sa publiko ang kaniyang mamahaling van at ang misteryosong bagay na matatagpuan sa bandang likuran nito!

Published

on

Si Angeline Ticman Quinto o mas nakilala ng publiko bilang si Angeline Quinto ay 31 taong gulang na singer at aktres. Siya ang tinanghal na kampeon sa “Star Power: Sharon’s Search For The Next Female Pop Superstar” noong 2011.

Mula nang maipamalas niya sa publiko ang kaniyang pambihirang talento ay mas marami pang mga proyekto ng naipagkatiwala sa kaniya. Hindi lamang siya ngayon hinahangaan bilang isang mahusay na mang-aawit kundi isang mahusay ding aktres.

Hindi na nakapagtataka na makapagpundar siya ng kaniyang bahay, negosyo at ilang sasakyan. Kamakailan lamang ay ipinasilip niya sa kaniyang mga tagahanga ang loob ng kaniyang customized van.


Ayon kay Angeline ay mayroon talaga siyang mga itinatagong life boxes sa loob ng kaniyang sasakyan. Ang isa dito ay mayroong mga hygiene kit at emergency kit habang ang isa naman ay naglalaman ng kaniyang arinola, tissue, wipes, at spray.

Importante ito kay Angeline lalo na kung siya ay mayroong malayong biyahe o di kaya naman ay taping. Hindi maaaring maiwan ang life box niyang ito. Maliit din daw kasi ang kaniyang van kung kaya naman mas ginusto na niyang lagyan na muna ito ng maraming mga upuan upang mas marami siyang maaaring isama sa kaniyang sasakyan.

Mayroon din siyang mini sofa sa loob kung saan siya namamahinga sa tuwing mayroon silang taping. Gusto rin daw sana niyang magpalagay ng TV at karaoke sa loob ngunit nais na muna niyang ipagpaliban ito dahil gusto rin daw niyang siguraduhin na hindi aantukin at makakatulog ang kaniyanga driver habang nagmamaneho ito lalo na kung gabi.

Hindi rin makakalimutan ni Angeline ang itinatabi niyang manika sa likod ng kaniyang sasakyan na minsan na niyang pinanakot sa kaniyang kaibigan na si Vice Ganda. Tunay nga na napakasimple ng kaniyang sasakyan ngunit lahat na ng kakailanganin niya ay naroroon na kung kaya naman tiyak na komportable rin siya dito.

Sabi nga ng ilang mga artista gaya niya, ang kanilang mga sasakyan ang itinuturing nilang ikalawang bahay.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media