Connect with us

Showbiz

Andi Eigenmann, nagdiwang ang ika-31 taong kaarawan niya sa isla ng Siargao!

Published

on

Si Andrea Nicole Guck Eigenmann o mas hinangaan natin bilang si Andi Eigenmann ay isang sikat na aktres at modelo sa Pilipinas. Ang kaniyang mga magulang ay ang batikang mga artista na sina Jaclyn Jose at ang nasirang Mark Gil.

Photo credit: Happy Islanders Youtube Channel

Marami ang humanga sa kaniya noon dahil sa kaniyang kaseksihan at angking kagandahan ngunit lingid sa kaalaman ng publiko ay mayroon na pala siyang pinagdaraanan. Makalipas ang ilang taon ay nakilala niya ang isang lalaking nagpatibok ng kaniyang puso, ang fiancé niya ngayon na si Philmar Alipayo.

Photo credit: Happy Islanders Youtube Channel

Siya ay isang professional surfer mula sa Siargao na maka-ilang beses na ring nagbigay ng karangalan sa bansa. Nang minsang mapunta si Andi sa isla ay hindi lamang siya napamahal sa napakaganda at nakatahimik nitong kapaligiran kundi maging sa mga taong nakatira dito na talagang mapagmahal at matulungin sa kanilang kapwa.

Photo credit: Happy Islanders Youtube Channel

Kahit na hindi na natin napapanuod sa telebisyon at pelikula si Andi ay madalas pa rin natin siyang mapanuod sa kaniyang YouTube channel na “Happy Islanders” kasama ang kaniyang buong pamilya – si Philmar, si Ellie, si Lilo at si Baby Koa. Para nga sa kaniyang ika-31 taong kaarawan ay naranasan niyang haranahin bago pa man sumikat ang araw.

Photo credit: Happy Islanders Youtube Channel

Alas-kwatro ng umaga nang sorpresahin siya ng “mañanita” na labis naman niyang ikinatuwa. Kalaunan ay nag-almusal na silang pamilya at namasyal sa isla. Ipinagluto din naman ni Andi ng sinigang na baboy si Ellie at iniluto ang signature birthday spaghetti ng kaniyang Nanay na si Jaclyn Jose.

Photo credit: Happy Islanders Youtube Channel

Talaga namang mararamdaman at makikita mo sa mga mata ni Andi ang labis na kaligayahan sa piling ng kaniyang pamilya at ng mga taong nagmamahal sa kanila. Bago pa man matapos ang kaniyanga kaarawan ay ibinigay ni Ellie ang regalo niyang “handmade ring” para sa kaniyang ina na mahal na mahal niya.

Nagsisilbi ding inspirasyon ang buong pamilya ni Andi na maaari naman pala tayong maging masaya sa mga simpleng bagay sa ating paligid lalo na kung kapiling natin ang ating pamilya.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media