Connect with us

Showbiz

Anak na babae ni Jestoni Alarcon, gumagawa na ng sarili niyang pangalan bilang isang aktres!

Published

on

Madalas na nating sinusubaybayan ang buhay ng ating mga paboritong aktor. Mula sa kanilang pagkabinata o pagkadalaga ay talaga namang hindi natin pinapalampas ang mga tagumpay nila sa buhay.

Image courtesy: Angela Alarcon | Instagram

Maging ang mga pagsubok na kanilang pinagdaraanan ay talaga namang nababatid din natin. Tunay ngang walang maililihim ang mga kilalang personalidad lalo na kung sila ay nasa mundo ng showbiz.

Isa na marahil sa mga naging sikat na matinee idol noon at ngayon ay ang aktor na si Jestoni Alarcon. Siya si Anthony Jesus Alarcon sa tunay na buhay.

Image courtesy: Angela Alarcon | Instagram

Ngayon ay 57 taong gulang na siya. Hindi lamang siya isang mahusay na aktor ng kaniyang henerasyon dahil sa isa rin siyang mabuting pulitiko na kasalukuyang nagsisilbi bilang board member ng unang distrito ng Rizal.

Image courtesy: Angela Alarcon | Instagram

Sa mahigit 26 na taong pagsasama nila ng kaniyang asawang si Lizette Alarcon ay nabiyayaan sila ng tatlong mga anak sina Jessica Alarcon, Angela Alarcon, at Pierce Alarcon. Talagang namana nga nila ang angking kagandahan at angking kagwapuhan ng kanilang mga magulang.

Tulad ng ilang mga sikat na personalidad ay marami din ang nagnanais na makita ang mga anak ni Jestoni sa harap ng kamera. At isa nga sa kanila ang nagnais na sundan ang yapak ng kanilang ama pagdating sa pag-arte.

Image courtesy: Angela Alarcon | Instagram

Siya ay walang iba kundi si Angela Alarcon. Marami ang nakapansin agad kay Angela dahil sa angking kagandahan at kaseksihan nito.

Image courtesy: Angela Alarcon | Instagram

Hindi rin maipagkakailang malaki ang pagkakamukha niya at ng kaniyang ama. Inspirasyon ni Angela ang kaniyang ama pagdating sa pag-arte.

Hindi lamang pag-arte ang kanilang pagkakahalintulad dahil sa iisa rin sila ng hilig na sports, ito ang Taekwondo. Black belter si Angela at nakapagtapos din siya bilang isang Cum Laude sa kursong Speech Communication sa University of the Philippines.

Image courtesy: Angela Alarcon | Instagram

Tiyak na mas maraming mga fans ang bibilib sa kaniya dahil sa kaniyang mga pambihirang talento at ipinamalas na kasipagan sa kaniyang pag-aaral.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media