Connect with us

Showbiz

Kinilig ang marami sa lovestory na ito ni Yasmien Kurdi at ng kaniyang mister na si Rey Soldevilla Jr.

Published

on

Si Yasmien Kurdi-Soldevilla o mas nakilala natin bilang si Yasmien Kurdi ay 32 taong gulang na aktres, singer, at modelo. Isa siya sa tinanghal na “Final Four” sa first season ng “Starstruck”, ito ang sikat na reality-based talent search show ng GMA Network.

Photo credit: Yasmien Kurdi instagram

Siya ang naging first runner-up sa naturang programa at natanggap din niya ang titulo na “Philippines’ Pop Sweetheart.” Malayo na nga talaga ang narating ni Yasmien mula nang una natin siyang masilayan noon bilang isang teen star.

Photo credit: Yasmien Kurdi instagram

Maaalalang 2012 nang siya ay magpakasal sa kaniyang mister na si Rey Soldevilla Jr. na isang piloto. Sa kanilang pagsasama ay biniyayaan sila ng isang anak na pinangalanan nilang Ayesha Zara na ang ibig sabihin ay “she who lives” or “womanly” (Ayesha) at “beautiful, bright, shining, and brilliant” or “flower, blossom, or beauty” (Zara).

Hanggang sa ngayon ay marami pa rin ang nagugulat na mayroon na ngang asawa at anak ang aktres dahil sa mukha pa rin talaga siyang dalaga. Minsan nang ibinahagi ni Yasmien ang nakakakilig nilang lovestory sa kaniyang vlog.

Photo credit: Yasmien Kurdi instagram

Ayon sa aktres, nagkakilala ang dalawa sa isang pampasaherong eroplano kung saan cabin crew pa noon ang kaniyang mister. Tinulungan daw siya nito noon na ilagay ang kaniyang mga gamit sa ibabaw ng kaniyang upuan.

Naulit pa ng ilang beses ang pagtatagpo nilang ito hanggang sa nag-date na nga ang dalawa sa isang resto café. Sinong mag-aakala na mahuhulog pala ang puso nila para sa isa’t-isa?

Photo credit: Yasmien Kurdi instagram

Mula sa mga estranghero ay naging magkaibigan, magkasintahan, hanggang sa nagdesisyon na silang bumuo ng sarili nilang pamilya. Ikinagulat man ng maraming tagahanga ni Yasmien ang biglaang pagpapakasal at pagkakaroon niya ng anak noon ay buong puso pa rin nilang tinanggap ang kanilang idolo na piniling maging pribado pagdating sa ganitong usapin ng kaniyang buhay.

Sa ngayon ay marami na nga ang nag-aabang kung masusundan na nga ba ang kanilang panganay na si Ayesha.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media