Connect with us

Showbiz

Lucy Torres-Gomez, hinangaan dahil sa kaniyang no make-up look kung saan masisilayan ang kaniyang “ageless beauty”!

Published

on

Si Lucy Torres-Gomez o mas nakilala natin bilang si Lucy Torres ay 46 taong gulang na aktres, modelo, at pulitiko. Siya ang asawa ng aktor at isa rin pulitiko na si Richard Gomez.

Nabiyaan sila ng isang anak na babae, si Juliana Marie Beatriz. Kamakailan lamang ay kinagiliwan ng maraming mga netizens ang kaniyang mga larawan kung saan wala siyang suot na kahit anong make-up.

Talaga namang napakaganda pa rin ng kaniyang mukha at ng kaniyang kutis. Hindi mo aakalain na ang edad niya ngayon ay higit na sa 40.

Mayroon pang ilang mga larawan ni Lucy ang nasilayan ng mga netizens. At kapansin-pansin talaga na hindi nagbago ang hitsura niya noon at ang hitsura niya noong siya ay dalaga pa.


Maraming mga kababaihan ang humahanga sa kaniya dahil sa nagawa niyang mapanatili ang kaniyang kagandahan at ang kaniyang magandang pangangatawan sa paglipas ng maraming taon. Sa ngayon ay 23 taon na rin silang mag-asawa ni Richard at minsan din niyang naibahagi ang kwento sa likod ng isa sa kanilang mga larawan.

Sa naturang larawan ay 18 taong gulang pa lamang daw siya ngunit sa edad na 12 ay mayroon na siyang nararamdaman na paghanga kay Richard. Makalipas nga ng limang taon ay kinasal na silang dalawa. Hanggang sa ngayon ay mas nagiging matatag pa rin daw ang kanilang pagsasama.

Ayon naman sa naging pahayag noon ni Richard ay kailangan talagang maging “thoughtful” at “loyal” sa isa’t-isa ang mag-asawa kung nais nilang mas maging maganda at matatag ang kanilang pagsasamahan. Tunay nga na nagsisilbi din silang inspirasyon sa maraming mga mag-asawa at sa bawat pamilyang Pilipino.

Kahit gaano pa katagal ang panahong lumipas ay magagawa pa rin ng mag-asawang mapatatag ang kanilang relasyon sa tulong ng bawat isa. Hindi ito makakaya ng asawang babae o asawang lalaki lamang kundi dapat ay talagang maging magkatuwang sila para sa isa’t-isa tulad na lamang ng mag-asawang Lucy at Richard.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media