Connect with us

Showbiz

Silipin ang nakakamangha ng kwento ng tagumpay ni Alden Richards at ang naging simpleng pamumuhay niya noong nagsisimula pa lamang siya sa pag-aartista

Published

on

Si Richard Reyes Faulkerson Jr. o mas nakilala natin bilang si Alden Richards ay 29 na taong gulang na aktor, host, endorser, recording artist at entreprenyur. Sa murang edad ay talagang malayo na rin ang kaniyang narating sa buhay.

Naging magtagumpay ng husto ang kaniyang karera. Sa ngayon ay marami na ang humahanga at sumusuporta sa kaniya.

Lingid sa kaalaman ng marami na nagsimula rin naman sa pinakaibaba si Alden. Sinong mag-aakala na ang isa sa pinakasikat na aktor ngayon ay nagsimula muna bilang isang modelo at madalas na laman ng mga male beauty pageant?


Taong 2009 ay sinubukan din niyang sumali sa ikalimang season ng Starstruck ngunit nabigo siya. Ganito rin ang naging resulta nang sumubok siya sa Pinoy Big Brother: Teen Clash nang sumunod na taon.

Ang naging kauna-unahang proyekto niya sa GMA Network ay ang Alakdana kung sana nakatambal niya si Louise Delos Reyes. Ginampanan niya ang karakter ni Joma na talaga namang naging simula upang mas makilala siya ng publiko.


Nagsunod-sunod na ang kaniyang mga proyekto mula noon. Naging bahagi na rin siya ng “Eat Bulaga!” at nagbago ang buhay niya at ni Maine Mendoza nang tangkilikin ng husto ng publiko ang tambalan nilang AlDub.

Kasunod pa nito ang bigating pelikula nila ni Kathryn Bernardo na “Hello Love, Goodbye” na tumabo sa takilya ng higit sa Php880, 603, 490. Ayon sa ilang mga nauna nang ulat ay maagang pumanaw ang kaniyang ina dahil sa karamdaman nito.

Nais talaga ni Alden na maging isang piloto ngunit pinagbigyan niya ang kahilingan ng kaniyang ina na maging isa siyang artista. Hindi na lamang siya isang artista ngayon, dahil talagang sikat na sikat siya kahit saan mang sulok ng mundo basta mayroong Pilipino.


Tunay nga na walang imposible basta’t magsumikap at magtiyaga lamang tayo. Darating din ang panahon na ang lahat ng ating paghihirap ay magbubunga ng tagumpay.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media