Connect with us

Showbiz

Jimmy Santos, itinampok sa kaniyang vlog na sumaside-line na pala siya sa palengke!

Published

on

Si Jaime Santos o mas nakilala natin bilang si Jimmy Santos ay isang komedyante, TV host at dating professional basketball player. Siya ay 69 na taong gulang na. Bagamat hindi na siya aktibo sa showbiz ngayon at hindi na rin siya napapanuod sa programang “Eat Bulaga!” ay marami pa rin ang kaniyang mga tagahanga at tagasuporta lalo na sa ngayon na pinasok na rin niya ang paggawa ng mga vlogs o video.

Kamakailan lamang ay naitampok niya sa kaniyang YouTube channel ang pagbisita niya sa isang pamilihan. Siya ay pumasyal sa Pampang Angeles City Public Market o ang Pampang Market.

Dito ay nakausap niya ang ilan nating mga kababayan at nagawa niyang kamustahin ang mga ito ngayong panahon ng pandemya. Nakapanayam niya ang ilang mga tindera ang gulaya, prutas, itlog, yelo at karne.


Mayroon din siyang nakapanayam na ilang mga kabataan na ang trabaho naman ay magtulak ng mga kariton na naglalaman ng kahon-kahong saging. Sa halagang sampung piso kada isang kahon ay naghahati na ang apat na mga kabataan sa halaganag Php120 para sa 12 kahon.

Nagbigay din naman ng kaunting pera ang komedyante at pinabaunan din sila ng paalala na mag-iingat silang palagi dahil isang pagkakamali lamang sa pagtutulak ng mga prutas na ito ay talagang hindi pa kakasya ang kaunti nilang kinikita. Marami ang bumilib kay Jimmy dahil sa wala pa ring kupas ang kaniyang kakayanan sa paghohost at lalong lalo na sa pagpapatawa.

Sinubukan din niyang sumideline bilang isang tindero ng karne kung saan nakilala niya ang may-ari ng isang meat stand. Dito ay nasubukan niyang maghiwa ng karne at magtinda.

Natuwa rin ang mga taong nanunuod sa kaniya roon ng siya ay mag-“Knock knock” gamit ang salitang “longganisa”. Samantala, maraming mga netizens din naman ang pumuna sa vlog na ito ni Jimmy dahil sa hindi lamang ito kapupulutan ng maraming aral, talagang mamumulat din ang mga manunuod sa totoong nangyayari ngayon sa ating mga kababayan.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media