Connect with us

Showbiz

Derek Ramsay may mensahe para sa nobyang si Ellen Adarna: “I just know I want to marry her.”

Published

on

Isa na yata sa pinakakontrobersiyal na magkasintahan ngayon sina Derek Ramsay at Ellen Adarna. Noong una kasi ay napapansin na ng publiko ang pagiging malapit ng dalawa.

Bagamat nilinaw nila noon na magkaibigan lamang sila ay ramdam na rin ng marami ang lagkit sa kanilang pagtitinginan. Lumipas ang ilang mga araw at linggo nang walang kumpirmasyon mula sa dalawa.

Hanggang isang araw ay nagsalita na sila at sinabing nagkakaintindihan at nagkakamabutihan na nga sila. Nito lamang ika-30 ng Marso 2021 ay inalok na ng kasal ng aktor si Ellen na sinang-ayunan naman nito.

Hindi na lingid sa kaalaman ng publiko na si John Lloyd Cruz ang ama ng anak ni Ellen na si Elias Modesto. Naging usap-usapan din ang kanilang relasyon noon na animo’y sa pelikula mo lamang mapapanuod.

Tila “You and me against the world” ang kanilang naging pagmamahalan na nauwi lang din sa hiwalayan. Ikinalungkot ng maraming mga fans ang pangyayaring ito ngunit idinalangin na lamang nilang maka-move ang bawat isa ng maayos.

Sa ngayon ay mayroong “co-parenting status” sina John Lloyd at Ellen sa kanilang anak na si Elias. Samantala, marami naman ang bumabatikos kay Derek dahil sa ginawa nito kay Andrea Torres.

Dahil ayon sa ilang mga nauna nang balita, hindi nabigyan-linaw ang mabilis na paghihiwalay nila ngunit nabanggit ni Derek na hindi si Andrea ang karapat-dapat na babae para sa kaniya. At ngayon nga ay tila masayang masaya na sina Derek at Ellen sa piling ng isa’t-isa.


Nang minsang makapanayam ni Dra. Vicki Belo ang engaged couple noong Hunyo 10, 2021 ay inamin nilang dalawa na naging “wholesome” daw sila bago pa man maging opisyal ang kanilang relasyon. Para naman kay Derek ay talagang ginalang at nirespeto niya si Ellen kung kaya naman hindi siya nagtangkang hawakan ang kamay nito, halikan o sumubok na magkaroon ng intimate moment sa tuwing magkakasama sila.

Isang araw ay bigla na lamang daw nilang napag-usapan ang pag-aasawa at pagpapakasal at dahil dito ay nalaman na nga ni Derek na si Ellen ang nais niyang pakasalan.

“We were lying down in bed—nothing happened. Don’t worry after everything, lots of things happened – but, for some reason we just talked about marriage. I didn’t know we’re going to get married. I just know I want to marry her,” Pahayag ni Derek.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media