Connect with us

Showbiz

Angeline Quinto, ipinasilip sa kaniyang mga tagahanga ang diumano’y bagong bahay na nabili niya sa Batangas!

Published

on

Angeline Ticman Quinto o mas nakilala natin bilang si Angeline Quinto ay 31 taong gulang na aktres, singer at vlogger sa Pilipinas. Taong 2011 nang manalo siya sa “Star Power: Sharon’s Search For The Next Female Pop Superstar”.

Photo credit: Angeline Quinto Youtube

Sa ngayon ay pinasok na rin niya ang vlogging at talagang marami sa kaniyang mga tagahanga at tagasuporta ang palaging umaantabay sa kaniyang mga video blogs. Kamakailan lamang ay pinaunlakan niya ang kaniyang mga taga-subaybay sa kaniyang bagong bahay sa Batangas.

Photo credit: Angeline Quinto Youtube

Diumano ay nakabili siya ng isang bagong bahay sa Batangas noong 2017. Nang maibenta daw niya ang bahay nila ng kaniyang Mama Bob sa Quezon City ay madalas na siyang mamalagi sa Batangas.

Nahinto lamang daw ang renovation ng bahay niyang ito dahil nagpandemya at naospital din ang kaniyang ina. Pagbukas pa lamang ni Angeline ng naturang bahay ay bubungad na kaagad ang napakagandang Koi Fish painting.

Photo credit: Angeline Quinto Youtube

Napakalaki nito at sadyang napakakulay din. Balak din daw ni Angeline na palagyan ng totoong Koi Fish ang kaniyang bagong bahay.

Mayroon nang kaunting renovation na nagawa sa bahay niya tulad na lamang ng kanilang kusina at veranda. Napakaganda din naman ng tanawin dito at talagang nakaka-relaks. Mayroon din silang malaking swimming pool dito kung saan maaaring magbabad at maglangoy ang kaniyang pamilya at mga kaibigan.

Photo credit: Angeline Quinto Youtube

Makikita na rin ang maaliwalas at komportableng “Master’s bedroom” dito na dapat daw talaga ay magiging silid nila ng kaniyang Mama Bob bago pa ito lumisan. Nag-iwan din naman ng mensahe ang singer-actress para sa mga taong nangangarap na magkaroon din ng sarili nilang bahay.

Photo credit: Angeline Quinto Youtube

Huwag daw sumuko at palaging humingi ng gabay sa Diyos sa pag-abot ng mga pangarap na ito. Kung inakala ng marami na dito na natatapos ang kaniyang vlog, nagulat sila ng biglang tumawag ang kaniyanag Tita Ibyang o si Sylvia Sanchez na nagsabing napakaganda daw ng bahay na ito.

Dito na inamin ni Angeline na “prank” lamang pala ang video niyang ito dahil sa ang katotohanan ay bahay talaga ito ng kaniyang Tita Ibyang.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media