Connect with us

Showbiz

Kim Domingo, masaya at kuntento na kahit na matagal nang single at walang lovelife!

Published

on

Maraming mga netizens ang nagbibigay ng kanilang mga opinyon lalo na kung paborito nilang mga personalidad at artista ang nagpopost online. Hindi lamang dahil sa suporta na nais nilang ipakita sa kanilang mga iniidolo kundi minsan ay naranasan na rin kasi nila ang katulad na sitwasyong pinagdaraanan ng paborito nilang aktor o aktres.

Minsan maraming mga netizens ang ganoon na lamang kung manghusga sa ibang tao ngunit kahit papaano ay mayroon pa rin namang mga taong ginagalang ang nararamdaman ng kanilang mga idolo. Tulad na lamang halimbawa ni Kim Domingo na napukaw ang atensyon ng publiko nang minsan siyang mag-post na tila ba nagpapahiwatig ng kasalukuyang estado ng kaniyang puso.

Ayon sa dalaga ang mga tao daw na matagal nang single o walang karelasyon ay mahirap talaga mahalin. Ito ay dahil sa nasanay na silang maging single, natuto na silang mag-isa at hindi dumipende sa iba, at higit sa lahat ay “self-sufficient” na sila.

Kung kaya naman talagang mahihirapan ang taong susubok na pumasok sa kanilang buhay. Marami naman sa kaniyang mga tagahanga ang sumang-ayon kay Kim dahil maging sila ay naranasan ding maging single sa mahabang panahon.

Ngunit tulad ng naging karanasan ng ibang tao ay tiyak na makakatagpo rin si Kim ng taong magmamahal at mamahalin niya ang lubos. Samantala, mayroon din namang mensahe ang aktres sa kaniyang mga taga-suporta noon at ngayon.

Masaya daw siya dahil kahit hindi na siya nagpapaseksi ay mayroon pa ring iilan na nagmamahal at sumusuporta sa kaniya. Napatunayan daw niya kung sino yung mga taong talagang nagmamahal sa kaniya ngayon.

Si Kim Domingo ay 26 na taong gulang na aktres, modelo, at internet personality. Marami ang humanga sa kaniya dahil sa angkin niyang kagandahan at kaseksihan. Ang French-Filipina beauty na ito ay una na nating hinangaan sa mga programang “Juan Happy Love Story”, “Tsuperhero”, at “Super Ma’am”.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media