Connect with us

Showbiz

Isa nang ganap na negosyante si “Hipon Girl” ng Wowowin, masaya niyang ipinasilip sa kaniyang mga tagahanga ang kaniyang munting negosyo!

Published

on

Si Herlene Nicole Budol o mas nakilala natin bilang si “Hipon Girl” ng Wowowin ay 24 taong gulang na host, aktres at komedyante. Minsan na siyang hinangaan ng publiko nang maging isa siya sa mga kalahok ng “Willie of Fortune” kung saan napabilib niya ang host ng programa na si Willie Revillame.

Dahil dito ay nabigyan siya ang pagkakataon na maging isa sa mga co-host ni Kuya Wil. Hindi na bago sa kaniyang mga taga-suporta ang buhay ni Herlene at ng kaniyang pamilya. Nagtutulong-tulong sila upang makamit nila ang kanilang mga pangarap. Todo-suporta din naman ang pamilya ni Herlene sa kaniya.

At dahil na rin sa kaniyang pagsusumikap at pagtitiyaga sa trabaho ay unti-unti siyang nakaipon. Pangarap niyang magkaroon ng sarili niyang negosyo kung kaya naman naging napakasaya niya nang matupad na niya ito sa wakas.

Agosto 2020 nang ibahagi niya sa publiko ang kaniyang munting negosyo. Ang “Herlene’s Clothing” ay matatagpuan sa Angono, Rizal.

Isa itong boutique na nagtitinda ng mga RTW o ready-to-wear outfits. Ayon sa dalaga ay gusto niya talaga ang negosyo niyang ito dahil sa mahilig din talaga siya sa mga damit.

Tunay nga na marami ang natuwa dahil sa wakas ay nakamit na niya ang isa sa kaniyang mga pangarap. Hindi lahat ay nabibigyan ng ganitong klase ng pagkakataon.

Sa isa sa mga naging interview ni Kuya Wil kay Herlene noon ay naikwento ng dalaga na sa edad na 15 taong gulang ay nagtatrabaho na siya. Masaya siya sa pagiging isang host kung kaya naman ayaw niya talagang iwanan ang trabaho niyang ito.

Hindi rin niya nais ang sinisigaw-sigawan siya ng mga tao kung kaya naman talagang nagsusumikap siya sa buhay. Sa ngayon ay isa na siya sa mahuhusay na co-host ni Kuya Wil sa kaniyang programa at kahit pa nga abala siya sa kaniyang pag-aaral ay sinisiguro pa rin niyang nabibigyan niya ng oras ang kaniyang trabaho bilang isang host.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media