Connect with us

Showbiz

Singer na si Ronnie Liang, sinubukan ang pagiging isang “jeepney driver” sa loob ng isang araw!

Avatar

Published

on

Si Ronnie De Guzman Liang o mas hinangaan natin bilang si Ronnie Liang ay isa sa mga sikat na mang-aawit at aktor sa bansa. Isa rin siyang piloto.

Nag-aral siya sa APG International Aviation Academy. Dati na rin siyang “finalist” ng sikat na “reality-talent search franchise” ng Pinas na “Pinoy Dream Academy”.

Isa na yata sa pinakasikat niyang kanta ay ang “Ngiti” na talagang nagpangiti sa maraming mga Pilipino. Kamakailan lamang ay naging usap-usapan ang ginawa niyang pagsubok sa pagmamaneho ng isang dyip.

Ang “jeepney” o dyip ang isa sa mga simbolismo na ipinagmamalaki ng maraming mga Pilipino. Tatak Pinoy kasi ang sasakyan nating ito at talagang marami ang maaari mong maisakay.


Sa latest vlog ng singer na si Ronnie ay kumasa siya sa challenge ng pagiging isang “jeepney driver” sa loob ng isang araw. Hindi naman niya naiwasang bumilib at humanga sa abilidad ng mga drivers na ito dahil sa nagagawa nilang magmaneho ng maayos at ligtas, kumuha ng bayad, magtuos at magsukli ng tama.

“Mga ka-tropa ganyan talaga mahirap maghanapbuhay. Kaya ‘yung mga kababayan natin na ang trabaho po ay magpasada, nagtratrabaho nang marangal, ‘yung naghahanapbuhay para sa pamilya, saludo ako sa inyo. Sa inyong mga sakripisyo na ginagawa para sa ikabubuhay ng pamilya. Maraming maraming salamat sa inyong kadakilaan sa pagtaguyod ng inyo pong mga pamilya.” Pahayag ni Ronnie.

“Ngayon po, feel na feel ko po ang pagiging isang driver or isang pamamasada… ‘Di ba, driver ka na, accountant ka, tapos naku, exposed ka, naaamoy mo, nalalanghap mo ‘yung hangin sa labas, ‘yung hangin, mga usok ng mga kasama mong namamasada din, ‘yung mga sasakyan nila. Kaya hindi po biro ‘yung pagiging driver. Tapos ‘yung iba, nagwa-1,2,3 pa.” Dagdag pa niya.

Hindi na bago sa ating mga Pilipino ang mga ganitong klase ng trabaho ngunit nakakalungkot lamang na madalas ay hindi talaga ito nabibigyang-pansin at nabibigyang-halaga ng ilan sa atin.

Source: Youtube


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media