Connect with us

Showbiz

Ivana Alawi naranasang sigawan at ipahiya ng isang batikang host sa harap ng maraming tao at mga artista!

Published

on

Tiyak na marami ang sasang-ayon na ang buhay ay hindi talaga patas. “Life is unfair”, wika nga ng iba sa salitang Ingles. Sa kabila ng pagiging “unfair” ng buhay ay marami pa rin sa atin ang patuloy na lumalaban at nagpupursige sa buhay.

Kung tayo ang bida sa kwentong ito ng ating buhay, siyempre hinding-hindi mawawala ang mga kontrabida. Sila ang mga taong talagang magiging hamon sa iyong buhay.

Maaaring mahirapan ka ng husto dahil sa kanila ngunit mas malaki ang posibilidad na mas magpursige ka sa buhay upang patunayan sa kanila na mayroon ka ding halaga. Kamakailan lamang ay ibinahagi ng sikat na aktres at vlogger na si Ivana Alawi kung ano ang karanasang hinding-hindi niya makakalimutan mula nang pumasok siya sa industriya ng showbiz.


Ayon sa dalaga ay naranasan daw niyang sigawan at ipahiya ng isang batikang host na talagang iniidolo pa naman din niya. Hindi niya akalain na kahit wala naman siyang ginagawang masama ay talagang magagawa siya nitong ipahiya sa harapan ng maraming mga tao.

Sa kaniyang latest vlog noong Pebrero 10 ay natanong siya kung mayroon na ba siyang naaway sa showbiz. Agad naman niya itong sinagot at sinabing wala siyang nakaaway sa showbiz ngunit mayroong umaway sa kaniya.

Sa naging pagkukwento ni Ivana ay nangyari ito noong taong 2019 kung kailan siya napabilang sa programang “Sino ang may sala? Mea Culpa.” Naaalala pa niya ang sitwasyon na ito kung saan naiyak na lamang siya nang bigla na lamang sumugod sa kaniya ang batikang host na ito dahil lamang sa nakiupo ang kaniyang “Personal Assistant” malapit sa kwarto nito. Sinabihan pa siyang bastos dahil sa nagsisimula pa lamang siya noon sa pag-aartista. Talaga namang nakaramdam siya ng matinding hiya sa nangyari at kahit pa nga wala naman siyang kasalanan at humingi na rin siya ng paumanhin sa nangyari.

Matapos ang pangyayaring ito ay agad niyang tinawagan ang kaniyang ina at saka siya nagkwento rito. Hindi na niya pinangalanan pa ang batikang host na ito ngunit ang simula daw ng kaniyang pangalan ay letrang “M”.

Isang batikang host na talagang pinapanuod na niya noong bata pa siya.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media