Connect with us

Showbiz

Ai-Ai delas Alas mayroong napakagandang payo para sa mga kababaihan na hanggang ngayon ay “single” pa din, huwag mawalan ng pag-asa dahil darating din ang taong karapat-dapat para sa kanila!

Published

on

Si Martina Aileen Hernandez delas Alas o mas minahal natin bilang si Ai-Ai delas Alas ay 56 na taong gulang na aktres, host, producer, talent manager, at batikang komedyante. Isa sa mga naging pinakasikat niyang proyekto ay ang “Ang Tanging Ina” na talaga namang naging “blockbuster hit”.

Lingid sa kaalaman ng marami ay naging asawa niya noon ang aktor na si Miguel Vera taong 1989 hanggang 1996. Makalipas ang 17 taon ay muli siyang nagmahal at nagpakasal sa katauhan ni Jed Salang ngunit makalipas lamang ang isang buwan ay naghiwalay din silang dalawa.

Taong 2014 nang magkakilala sina Ai-Ai at Gerald Sibayan na bata sa kaniya ng halos 30 taon. Naging magkarelasyon sila ng tatlong taon bago pa man sila magpakasal nang taong 2017 at ngayon nga ay matatag at masaya pa rin ang kanilang pagsasama.
Sinong mag-aakala na muling darating ang pagkakataong ito para sa batikang komedyante? Hindi rin niya lubos akalain na muli niyang mabubuksan ang kaniyang puso para sa isang taong magmamahal sa kaniya ng husto.

Pagkatapos kasi ng dalawang relasyon niya na hindi rin nagtagal ay tila ba narinig ng tadhana ang kaniyang panalangin at kahilingan. Nagbigay din nga ng napakagandang payo si Ai-Ai para sa mga taong hanggang sa ngayon ay “single” pa rin.

Maaaring nakakapagod at nakakapanlumo nang maghintay pa ng taong makakasama natin hanggang sa ating pagtanda ngunit hindi raw tayo dapat mawalan ng pag-asa. Isang buhay na patotoo na ang kaniyang naging karanasan dahil hindi man naging maayos ang kaniyang mga naunang relasyon sa kaniyang naging dalawang mister, mas biniyayaan naman siya ng mas bata pa sa mga ito.

“Wag kayong mawalan ng pag-asa, nakita niyo naman ako, di ba? Sino ba naman mag-aakala na makakapag-asawa pa ako? Nakita niyo naman asawa ko, bagets. So hintay-hintay niyo pa rin. Baka naman hindi pa ipinapanganak yung magiging jowa niyo.” Pahayag ni Ai-Ai.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by AIAI DELAS ALAS (@msaiaidelasalas)


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media