Connect with us

Showbiz

Neri Naig, kasalukuyang nagpapagawa ng glass house bilang regalo sa kaniyang sarili!

Published

on

Isang inspirasyon at isang wais na misis kung ituring ngayon ang dating aktres na si Neri Miranda. Si Nerizza Garcia Presnede Naig-Miranda ay mas hinangaan natin bilang si Neri Miranda na isang kilalang aktres na nagsimula noon sa Star Circle Quest.

Siya ay kasal kay Chito Miranda na nakilala naman bilang mukha ng Parokya ni Edgar. Sa ngayon ay mayroon na silang isang anak at madadagdagan pa ang isa.

Hindi rin naman nauubusan ng mga bagong negosyo si Neri dahil sa matinding determinasyon at pagsusumikap nito na hinahangaan din ng marami. Sinong mag-aakala na magiging matagumpay siyang negosyante sa paglipas ng panahon at nang lisanin niya ang showbiz?

Marami na rin siyang napundar mula sa kaniyang pagnenegosyo ngunit sa kabila ang kasaganahan at tagumpay na kaniyang nararanasan ay hindi siya gumastos ng husto at nananatiling wais na misis pa rin. Sa paglipas pa ang panahon ay wala siyang binili na kahit ano para sa kaniyang sarili kung kaya naman napagdesisyunan niyang bumili at magpatayo ng isang glass house.

Sa ngayon ay hindi pa tapos ang ipinapatayo niyang bahay dahil sa nag-iipon pa siya ng pambili ng mga materyales at iba pang pangangailangan. Ngunit masayang masaya na siya dahil sa wakas ay matutupad na rin ang kaniyang pangarap na magkaroon ng isang mini studio para sa kaniyang mga brand shoots.

Plano din ni Neri na magkaroon ng isang minimalist garden at lugar para sa kaniyang mga aso. Hindi rin naman nakalimutan ni Neri ang laundry area na gusto niyang maging organized at kumpleto mula sa sampayan, mga drawer, malaking sink, plantsahan at organizers.

Pangarap niya ang isang malinis, maaliwalas, at mabangong laundry are. Ngunit para sa kaniya, kailangan niya munang mag-ipon bago maisakatuparan ang lahat ng ito.

Tunay nga na nagsisilbi siyang inspirasyon sa maraming mga kababaihan at sa maraming mga nanay na huwag tumigil sa mga oportunidad na nakikita nila sa kanilang paligid. Tulad na lamang ni Neri na nagsumikap at talagang nagtrabaho ng husto para sa kaniyang mga pangarap para sa kaniyang pamilya.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media