Connect with us

Showbiz

Cristy Fermin, mayroong mga matatapang na pahayag patungkol sa pagkakahawig nina Kristine Hermosa at Jinkee Pacquiao!

Published

on

Sa panahon natin ngayon na laganap na ang paggamit ng iba’t-ibang social media platforms, paano nga ba natin masasabi na “freedom of expression” pa rin ang ating ginagawa o pambabatikos at pamamahiya na sa isang tao? Kahit kasi sa ibang mga dayuhang bansa, malaking problema din talaga ang pangbabash at hate comments ng publiko sa mga sikat na artista at personalidad na nagiging dahilan pa nga upang kitilin nila mismo ang sarili nilang buhay.

Nakakalungkot mang isipin ngunit napakarami na ring ganitong pangyayari sa bansa. Kamakailan lamang ay naging mainit na usapin ang naging pahayag ni Cristy Fermin kay Jinkee Pacquiao na diumano ay walang kahihiyan ang huli.

Wala rin daw ito sa timing at hindi marunong umunawa sa sitwasyon ng mundo ngayon. Maraming mga netizens ang talagang nabigla at nagalit sa mga pahayag na ito lalo at hindi naman na lingid sa kaalaman ng publiko ang naging paghihirap at sakripisyo ng pamilya Pacquiao upang makamit ang komportableng buhay na mayroon sila ngayon.


Hindi pa man humuhupa ang isyung ito ay muli na namang nagbigay ng pahayag ang beterenang kolumnista at host at sinabing tunay at “organic” ang ganda ng aktres na Kristine Hermosa. Narito ang kaniyang naging pahayag patungkol sa pagkakahawig ni Jinkee Pacquiao at ng aktres.

“Siguro naman ay hindi ‘yon sinadya ni Aling Jinkee. Dahil kahit ano naman siguro ang gawin niya, isubsob pa niya sa ulo niya mukha niya, hindi niya makakahawig si Kristine Hermosa. Dahil si Kristine, tunay, organic, walang operasyon, ‘di ba?” Pahayag ni Cristy Fermin.

“E si Jinkee alam naman natin kung ano pinagdaanan ng kanyang kagandahang pinaghahawakan ngayon. If you want to look beautiful, go to Belo. ‘Di ba, gano’n? At talaga namang naging kliyente siya ni Dra. Vicki Belo at naging endorser pa nga ng isang produkto.” Dagdag pa niya.

Sa ngayon ay marami pa rin ang naghihintay sa magiging opisyal na pahayag ni Jinkee tungkol dito.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media