Connect with us

Showbiz

Yam Concepcion, masayang ibinahagi ang naging paghahanda niya sa napakaganda nilang kasal ng kaniyang longtime boyfriend na si Miguel Cuunjieng!

Published

on

Napakahirap nang magdaos ngayon ng selebrasyon dahil na rin sa patuloy pa ring paglaganap ng COVID-19 hindi lamang sa ating bansa kundi maging sa maraming mga bansa pa sa buong mundo. Nakakalungkot mang isipin ngunit hindi na natin naipagdidiwang ng maayos ang mga selebrasyon na dapat sana ay nakakasama natin ang ating mga kaibigan at mahal sa buhay.

Image courtesy: Yam Concepcion | Instagram

Isa na nga sa mga selebrasyon na ito ang pagpapakasal o pag-iisang-dibdib ng dalawang taong nagmamahalan. Hindi na kasi ito maaaring maipagdiwang tulad ng dati kung saan makakasama talaga ng dalawang taong ikakasal ang lahat ng tao na naging bahagi ng kanilang pagmamahalan.

Image courtesy: Yam Concepcion | Instagram

Ngunit sa kabila nito ay marami pa ring mga tao ang nagagawang maipagdiwang ng maayos ang kanilang kasal sa paraang alam nilang ligtas sila gayundin ang kanilang mga piling inimbita. Kamakailan lamang ay sinelyonan na ng aktres na si sina Yam Concepcion at ng kaniyang longtime boyfriend na si Miguel Cuunjieng ang kanilang relasyon.

Image courtesy: Yam Concepcion | Instagram

Sa ngayon ay hindi na lamang sila makukuntento sa kanilang LDR o long distance relationship dahil sa sila ay ganap na ngayong iisa. Simple man ang naging pag-iisang dibdib nila ay naging napakaespesyal naman nito. Si Yam talaga ang nag-asikaso ng lahat para sa kanilang kasal habang ang kaniyang fiancé naman ay todo suporta sa kaniyang mga naging desisyon.

Sa New York ikinasal ang dalawa lulan ng isang yate. Kaunti lamang ang imbitado ngunit naging napakakulay ng espesyal na araw nilang ito.

Image courtesy: Yam Concepcion | Instagram

Laking pasasalamat din ni Yam dahil naging napakabuti ng kaniyang nobyo sa kaniya. Sa loob kasi ng 6 na taon ay talagang naging matatag pa ang kanilang pagsasama kahit na sila ay LDR.

Image courtesy: Yam Concepcion | Instagram

At ngayon nga ay mas marami na sa kanilang mga tagahanga ang nangangarap na makita na ang magiging mga anak ng dalawa. Marami din ang nagtatanong kung ipagpapatuloy pa rin ba nai Yam ang kaniyang pag-aartista o lalagay na sa tahimik kapiling ang kaniyang asawa?


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media