Connect with us

Showbiz

Sam Pinto, lutang na lutang pa rin ang kagandahan sa kaniyang maternity photoshoot!

Published

on

Si Samuelle Lynne Acosta Pinto-Semerad o mas nakilala natin bilang si Sam Pinto ay 31 taong gulang na aktres at modelo. Isa siya sa may pinakamagandang mukha sa industriya ng show business kung kaya naman hindi na nakapagtataka na marami na rin siyang mga nagawang proyekto kung saan siya mismo ang “leading lady”.

Maliban sa pagiging isang artista ay mayroon na siyang sarili niyang negosyo, ang Sirena. Ito ang kaniyang swim wear line na itinayo niya noong taong 2015 pa.

Taong 2017 naman nang binuksan niya ang “L’Sirene Boutique Resort” sa Brgy. Reserva, Baler, Aurora kung saan mayroon silang mga surfing lessons sa mga nagnanais matuto ng surfing at napakagandang akomodasyon para sa mga bisita nila sa paraisong ito. Higit pa sa maraming mga magagandang bagay na nangyari kay Sam, mayroon na namang napakagandang biyaya silang matatanggap ng kaniyang mister na si Anthony Semerad.


Kaunting tiis na lang kasi at masisilayan na nila ang kanilang panganay na anak. Kamakailan lamang ay kinabiliban si Sam Pinto ng publiko dahil sa napakaganda niyang maternity shoot.

Mayroon itong tema na “fairytale” kung kaya naman mas lalong lumutang ang angking kagandahan ng aktres. Baby girl ang kanilang panganay na anak na binigyan nila ng pangalan na Mia Aya ang ibig sabihihin ng Mia ay “Queen of the Ocean” habang ang Aya naman ay “Lucky”.

Naisip nila ito dahil sa talagang hilig ng mag-asawa ang surfing at ang dagat at nais din nilang maging maswerte ang kanilang anak. Minsan ding ibinahagi ni Sam ang kakaibang takot at kaba na kaniyang nararamdaman lalo na at ito ang unang pagbubuntis niya.

Pero sa kabilang banda ay talagang nasasabik na din siyang makita at mahawakan ang kanilang anak na si Mia Aya. Talaga namang tiyak na kasing ganda din ni Sam ang kanilang baby.

Hindi rin naman kasi maipagkakailang gwapo rin ang kaniyang mister. Papayagan din kaya nilang pumasok sa showbiz ang kanilang panganay?


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media