Connect with us

Showbiz

Jericho Rosales, ibinahagi sa publiko ang simple niyang pamumuhay sa La Union kasama ang kaniyang misis na si Kim Jones!

Published

on

Maraming nagsasabi na masarap daw ang buhay ng mga artista dahil sa wala naman daw silang ibang ginagawa kundi umarte at gumanap lang sa mga karakter nila sa kanilang mga proyekto. Marami din silang nagiging commercial endorsements at mga sponsors kung kaya naman kadalasan ay hindi na rin talaga nila inaalala ang mga kakailanganin nila sa kanilang trabaho.

Image courtesy: Jericho Rosales | Instagram

Lingid sa ating kaalaman ay marami din palang mga artista sa ngayon ang nagnanais din na magkaroon ng simple at payapang buhay. Tulad na lamang ng aktor at ng matinee idol na si Jericho Rosales.

Image courtesy: Jericho Rosales | Instagram

Si Jericho “Echo” Vibar Rosales ay 41 taong gulang na aktor, modelo, at host. Una na siyang hinangaan ng publiko noon bilang isa sa mga kalahok ng “Mr. Pogi” ng “Eat Bulaga!”

Hanggang ngayon nga ay talagang marami pa rin ang humahanga at sumusuporta sa kaniya. Ngunit sa ngayon ay mas minabuti niya at ng kaniyang misis na si Kim Jones na manirahan na muna sa Surfing Paradise ng bansa, ang La Union.

Image courtesy: Jericho Rosales | Instagram

Talaga namang napamahal sila ng husto sa napakagandang lugar na ito lalo na at pareho din silang dalawa na “surfer”. Kahit pa nga hindi na madalas mapanuod ngayon ang aktor ay marami pa rin ang nag-aabang sa kaniyang mga shows online.

Ang kaniyang online show na “Gabi Na Naman With Jericho Rosales” ay nagtatampok ng kaniyang mga pinagkakaabalahan ngayon sa buhay. Napakadali para sa aktor ang paggawa ng maraming mga gawaing-bahay sa kanilang tahanan tulad na lamang ng paghuhugas ng pinggan, paglilinis ng kanilang buong bahay, pagpasyal sa alaga nilang aso, pag-aalaga sa kanilang mga halaman at kahit pa nga ang pagkukumpuni ng ilang mga sirang bagay.

Image courtesy: Jericho Rosales | Instagram

Talaga namang na-eenjoy niya ngayon ang lahat ng mga bagay kasama ang kaniyang asawa sa La Union. Hindi rin mawawala ang hilig ni Jericho sa camera.

Madalas pa rin siyang kumukuha ang magagandang mga larawan gamit ang kaniyang camera.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media