Connect with us

Showbiz

Kim Chiu, masayang masaya sa naging bakasyon niya sa napakagandang resort sa Balesin Island sa Quezon!

Published

on

Marami na talaga ang mga Pilipinong nasasabik na makapamasyal ulit kahit pa nga solo travel ito o kasama ang pamilya. Matagal tagal na din kasi buhay nang ma-enjoy natin ang pagbabakasyon sa ibang lugar.

Marami kasi ang natatakot na mahawa ng pandemyang lumalaganap pa din sa buong mundo. Dahil sa pandemyang kinakaharap natin sa ngayon ay hindi pa rin magawang makapagbiyahe ng marami sa atin lalo na iyong may mga nakatatanda at batang miyembro ng pamilya.

Sa kabilang banda, mayroon na rin namang ilang mga lugar sa Pinas at sa mga dayuhang bansa na pinapayagang tumanggap ng lokal na mga turista kung kaya naman hindi na ito pinalampas pa ng ating mga kababayan lalo na ng ating mga paboritong artista. Isa na nga sa mga artistang ito si Kimberly Sue Yap Chiu o mas nakilala natin bilang si Kim Chiu.

Siya ay 31 taong gulanga na aktres, host, singer, dancer, at vlogger. Tunay nga na isa siya sa pinakahinahangaang artista ng kaniyang henerasyon.
Kamakailan lamang ay nagbakasyon siya sa isang sikat na resort sa Balesin Island sa Quezon. Napakaganda ng lugar na ito ay aakalain mong isang paraiso.

Napakalinaw at napakalinis ng tubig, napakaganda ng tanawin. Hindi na pinalampas ni Kim ang pagkakataon at nagtampisaw ito sa beach.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kim Chiu 🌸 (@chinitaprincess)

Marami din sa kaniyang mga tagahanga ang bumilib dahil sa nakapaganda niyang mga larawan suot suot ang kaniyang mga swimsuits. Hindi lamang maganda si Kim dahil sa mayroon din itong balingkinitang pangangatawan.

Sa pamamagitan ng ehersisyo at maayos na dyeta ay nagagawa niyang panatilihin ang hubog ng kaniyang katawan. Malayo na nga talaga ang narating ni Kim.

Marami na din siyang naipundar para sa kaniyang sarili at sa kaniyang pamilya. At sa mga ganitong pagkakataon ay hindi rin naman masamang magbakasyon at mamahinga siya pagkatapos ng kaniyang mga naging proyekto ng mga nagdaang buwan.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media