Connect with us

Showbiz

Barbie Imperial, ibinahagi sa publiko ang kaniyang literal na Barbie-inspired photo na talaga namang kinagiliwan ng publiko!

Published

on

Ang pagdiriwang ng ating kaarawan o ang araw ng ating kapanganakan ang isa sa mga selebrasyon sa ating buhay na talagang pinaghahandaan natin taon-taon. Maraming mga pamilyang Pilipino, kahit pa nga salat sa salapi ay talagang gumagawa ng paraan para lamang mairaos ang espesyal na araw na ito.

Para naman sa mga kilalang personalidad ay talagang naghahanda sila ng isang marangyang salo-salo para sa kanilang mga kaibigan at kapamilya. Sa paglipas ng panahon, lalo na ngayong panahon ng pandemya ay marami pa rin namang gumagawa nito kahit pa nga limitado na lamang ang mga imbitadong kaibigan o kapamilya.

Maliban sa mga ganitong paraan ay mayroon ding ginagawang birthday photoshoot ang karamihan lalo na ang mga artista. Tulad na lamang halimbawa ng aktres na si Barbie Imperial.

Nagdiwang siya ng ika-23 taong kaarawan niya nito lamang Agosto 1, 2021. Nagkaroon siya ng fairy-themed birthday photoshoot kung saan talagang ipinamalas niya kung gaano siya kaganda na tila ba siya ay isang engkantada.


Mayroon din siyang isa pang tema, ang kaniyang Barbie-inspired photoshoot kung saan ipinamalas niya naman ang kaniyang angking kaseksihan. Suot ang hot pink dress at kulay pink ding background ay malaki talaga ang pagkakahawig ni Barbie sa Fashion Doll na si Barbie.

Nakasuot din siya ng wig na kulay blonde kung kaya naman achieve na achieve ang kaniyang Barbie-looks. Inulan din naman ng maraming mga papuri mula sa mga netizens ang mga larawang ito ng aktres.

Maging ang mga katrabaho niyang artista ay namangha din sa kaniyang mga larawan. Hindi rin naman pinalampas ng kaniyang nobyong si Diego Loyzaga ang kaniyang kaarawan dahil sa bumati din ito sa kaniya sa pamamagitan ng napakasweet na mensahe.

Si Barbara Concina Imperial o si Barbie Imperial ay 23 taong gulang na aktres at modelo. Siya ay tubong Daraga, Albay. Una siyang nakilala noon sa Pinoy Big Brother at nabigyan siya ng unang lead role niya sa “Araw Gabi”.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media