Connect with us

Showbiz

Heart Evangelista, mayroong napakagandang resort sa Boracay kung saan siya ay isa sa mga nagmamay-ari!

Published

on

Si Love Marie Payawal Ongpauco-Escudero o mas kilala natin bilang si Heart Evangelista ay 36 taong gulang ay isang mahusay na aktres, TV host, singer, visual media artist, philanthropist, socialite, at nagsisilbi ngayon bilang First Lady sa probinsiya ng Sorsogon. Hindi lamang siya isang mahusay na artista dahil sa isa rin siya sa mga may pinakamagandang mukha sa industriya.

Image courtesy: Heart Evangelista | Instagram

Tunay nga na batid ni Heart kung saan niya i-invest ang pinaghirapan niyang pera. Isa na sa kaniyang mga investment ay ang kaniyang co-owned resort sa Boracay. Ito ay ang Harlan Beach Villa Boracay.

Matatagpuan ito sa Station 1 sa tabi ng “The Lind”. Ang dalawang palapag na villa na ito ay gawa sa kahoy at talaga namang nakaka-relaks dahil sa napakagandang tanawin nito lalo na sa bandang dalampasigan.

Image courtesy: Heart Evangelista | Instagram

Ayon sa ilang mga naunang artikulo, kasyang-kasya ang isang buong pamilya dito o grupo na hanggang sa 10 katao. Mayroon na rin itong dininong room, living room, at infinity pool na amayroong lalim na 4 hanggang 5 feet.

Image courtesy: Heart Evangelista | Instagram

Diumano ay nasa Php12,345 daw ang Cabana rate nila rito at ang kanilang buong resort ay maaaring rentahan sa halagang mahigit Php100,000 depende sa season. Ngunit dahil sa pandemya ay mayroon silang rates ngayon na nasa 50% less kada isang gabi ay nasa Php50,000 na lamang ang rate para sa buong resort nila na mayroon na ring kasamang plated breakfast para sa sampung katao.

Image courtesy: Heart Evangelista | Instagram

Maaari din namang magpaluto ng gustong putahe ng bisita dahil mayroon din silang on-call chefs sa resort. Talaga namang nakakamangha ang mga ganitong klase ng artista na kahit malayo na ang narating sa buhay at talagang mayaman nang maituturing ay hindi pa rin tumitigil sa pagtatrabaho.

Image courtesy: Heart Evangelista | Instagram

Nagiging mas matalino na rin sila sa paghawak ng kanilang mga pera. Tiyak na magsisilbing inspirasyon ito para sa maraming mga Pilipino na nagsusumikap din sa buhay para sa kanilang kinabukasan at sa kanilang mga pamilya.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media