Connect with us

Showbiz

Rommel Padilla, busy ngayon sa kaniyang malawak na palayan na matatagpuan sa Nueva Ecija!

Published

on

Ang pag-aartista ay hindi biro. Maaaring ngayon ay sikat ka at marami kang proyekto ngunit sa paglipas ng ilang mga taon ay hindi mo masisiguro kung makapagpapatuloy ka pa sa iyong karera.

Photo credit: Rommel Padilla instagram

Madalas kasi ay hindi na nabibigyan pa ng bagong proyekto ang ilan sa ating mga baguhang artista kung kaya naman wala na rin silang ibang magawa kundi maghanap ng ibang trabaho o ibang pagkakakitaan. Madalas din nating naririnig mula sa mga nakatatanda na dapat ay mag-ipon ng husto, hind i maging gastador, at maglaan ng pera para sa investment.

Photo credit: Rommel Padilla instagram

Upang kahit ano man ang mangyari sa pag-aartista ay sigurado pa rin ang kabuhayan lalo na para sa mga pamilyadong tao o mga breadwinners ng kanilang mga pamilya. Kamakailan lamang ay napansin ng maraming mga netizens ang mga ibinabahaging larawan ni Rommel Padilla sa kaniyang social media account kung saan makikita ang isang malawak na palayan.

Ito pala ay pagmamay-ari ng aktor, investment niya ito sa Nueva Ecija. Sa kabila ng pandemya ngayon kung saan napakaraming mga Pilipino partikular na ang mga artista ang nawalan ng trabaho ay talaga namang marami pa rin ang nagsusumikap na maghanap-buhay at kumita para sa kanilang mga pamilya.

Photo credit: Rommel Padilla instagram

Tulad na lamang ng ama ni Daniel Padilla na si Rommel Padilla. Bagamat aktibo pa rin naman siya at hindi pa niya tuluyang nililisan ang industriya ng showbiz ay mayroon na siyang iba pang pinagkakaabalahan. Mayroon kasi siyang naipundar na malawak na palayan sa Nueva Ecija.

Hindi lamang siya nag-invest dito upang kumita dahil sa gusto din talaga niyang makatulong sa maraming mga magsasaka na nagnanais pa ring magbanat ng buto sa kabila ng nararanasan nating mga pagsubok sa ngayon. Dahil sa nais din niyang mas mapalawig pa ang tagumpay ng kaniyang palayan ay nakipag-ugnayan na rin siya sa isang AgriTech company.

Photo credit: Rommel Padilla instagram

Tunay nga na wala pa ring tatalo sa determinasyon, pagiging masipag at matiyaga.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media