Connect with us

Showbiz

Alice Dixson, hinangaan ng publiko dahil sa kaniyang fit na katawan at young looking glow kahit 51 taong gulang na!

Published

on

Kamakailan lamang Hulyo 28 ay nagdiwang ng ika-52 taong kaarawan ang aktres na si Alice Dixson. Maraming mga netizens ang nakapansin na kahit nasa 50’s na ang aktres ay talagang nananatili pa ring fit at young-looking ito.

Photo credit: Alice Dixson instagram

Hindi mo talaga aakalain na ganoon na pala ang kaniyang edad dahil sa kaniyang pisikal na hitsura. Isa rin siyang mahusay na aktres, sa katunayan nga ay marami na siyang nagampanan na karakter sa pelikula at teleserye na tumatak sa maraming mga Pilipino.

Photo credit: Alice Dixson instagram

Nang minsan siyang kapanayamin ng programang “Tunay na Buhay” ay ibinahagi niya ang sikreto kung bakit hanggang sa ngayon ay maganda pa rin ang kaniyang pangangatawan at mukhang bata pa rin siya. Mahilig daw kasing mag-swimming ang aktres, mahilig din siyang magbisikleta.

Mas nais pa nga niya ang gumamit ng bisikleta kaysa sumakay ng kotse kung malapit lang naman ang kaniyang pupuntahan. Hilig din niya ang maglaro ng volleyball at iba pang klase ng “group sports”.

Photo credit: Alice Dixson instagram

Nabanggit din ng aktres na kahit 52 taong gulang na siya ay bata pa rin naman ang tingin niya sa kaniyang mga larawan. Ngunit hindi rin naman nawawala na maramdaman na niya ang kaniyang edad paminsan-minsan.

Maliban daw sa pagkakaroon niya ng “good genes” ay talagang inaalagaan na niya ang kaniyang pangangatawan noon pa man. Sa edad na 30-anyos ay umiinom na siya ng mga supplements. Sinisigurado din niyang palagi siyang aktibo at nag-eehersisyo upang mas masiguro na malusog ang kaniyang pangangatawan.

Photo credit: Alice Dixson instagram

Sa ngayon, hindi lamang para sa kaniyang sarili at karera kung kaya nananatiling maingat si Alice sa kaniyang kalusugan at pangangatawan. Ito ay dahil din sa kaniyang anak na matagal niyang ipinagdasal.

Sumailalim siya sa surrogacy kung kaya naman talagang masayang-masaya siya at ang kaniyang asawa nang sa wakas ay magbunga na ang kanilang pagsusumikap na madagdagan ang miyembro ng kanilang pamilya. Miracle baby kung ituring niya ang kaniyang anak.

Photo credit: Alice Dixson instagram

Sa bawat milestones nito ay sinisigurado niyang hindi siya nawawala at palagi niya itong nasasaksihan.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media