Connect with us

Showbiz

Kiray Celis, nakatanggap ng mahigit na 100 cakes para sa pagdiriwang ng kaniyang ika-27 taong kaarawan!

Published

on

Importanteng araw sa ating mga Pilipino ang araw ng ating kapanganakan. Talaga namang naghahanda tayo kahit kaunting pagkain lamang upang maipagdiwang ang mahalagang araw na ito.

Magarbo man o hindi, mahalagang maipagdiwang ito kasama ang mga mahal natin sa buhay. Hindi na nakapagtataka na maging sobrang maligaya si Kiray Celis para sa kaniyang ika-27 taong kaarawan dahil sa talagang napakaraming nagpahatid ng pagbati sa kaniya.

Photo credit: Kiray Celis instagram

Mahigit sa 100 na mga cake kasi ang kaniyang natanggap para sa kaniyang advance birthday celebration. Tunay nga na cake ang isa sa mga simbolo ng mga Pilipino sa pagdiriwang ng kanilang kaarawan.

Kung kaya naman labis na namangha ang publiko nang makitang napakaraming cake ni Kiray na mula sa mga taong sumusuporta at nagmamahal sa kaniya. May pabiro ding pahayag si Kiray sa kaniyang mga tagasuporta.

Photo credit: Kiray Celis instagram

Payagan na daw siyang mag-post ng mga daring photos dahil sa nasa wastong edad naman na daw siya ngayon. Malaki din ang pasasalamat ng aktres at vlogger dahil sa pagmamahal ng kaniyang mga magulang, ng kaniyang buong pamilya, at ng kaniyang nobyong si Stephen Estopia.

Photo credit: Kiray Celis instagram

Maliban kasi sa napakaraming mga cake na natanggap ni Kiray ay may handog ding sorpresa para sa kaniya ang kaniyang nobyo. Ilang cake, mga bulaklak at lobo din ang ihinanda nito. Sinorpresa din niya si Kiray ng isang “branded slip-ons” na bagay na bagay din sa aktres.

Walang pagsidlan ang kaniyang kagalakan dahil sa napakaraming mga biyayang kaniyang natatanggap. Ayon pa kay Kiray, araw-araw daw talaga ay Valentine’s Day lalo na kung nasa tamang tao ka.

Bagamat nakalimutan ni Kiray na kaarawan niya pala ay talagang naging masaya din naman siya sa naging selebrasyon ng araw na iyon. Napakasarap talaga sa pakiramdam lalo na kung naririyan ang mga taong nagmamahal at nagpapahalaga sa iyo.

Photo credit: Kiray Celis instagram

Lalo na sa mga panahong ito na marami din tayong pinagdaraanan na pagsubok at mga suliranin.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media