Connect with us

Showbiz

Jimmy Santos, dumalaw at nakihalubilo sa mga katutubo nating Aeta kahit halos 19 na kilometro ang kailangan niyang lakbayin!

Published

on

Kamakailan lamang ay marami ang nakasaksi sa ginawang vlog ng sikat na host at komedyante na si Jimmy Santos kung saan naitampok niya ang isang pamilihan sa Pampanga. Nakapanayam din niya ang ilan sa mga nagtitinda roon na halos ilang taon na ring nagnenegosyo.

Dahil sa pandemya ay talagang naapektuhan din ang kanilang mga kabuhayan kung kaya naman ngayon na medyo may kaluwagan na ay unti-unti nang bumabangon ang marami sa kanila. Naitampok din ang ilan sa mga kabataang nagtatrabaho sa pamilihang iyon na nagtitiis na lamang sa liit ng sweldo na kanilang kinikita sa loob ng isang araw.

Ngayon naman ay mayroon na namang bagong video si Jimmy kung saan naitampok naman niya ang isang liblib na komunidad kung saan mapayapang naninirahan ang mga katutubong Aeta. Ang lugar na ito ay walang iba kundi ang bayan ng Villa Maria ng Porac sa Pampanga.

Sa kabila ng kaniyang edad na 69 taong gulang na ay nagawa pa rin niyang maglakbay at maglakad ng halos 19 na kilometro matunton lamang ang lugar na ito. Sa pagbisita niyang ito sa ating mga kababayang Aeta ay namangha siyang makita ang ilan sa kanilang mga tradisyon doon at maging ang pamamaraan ng kanilang simpleng pamumuhay.

Isa na nga sa mga bagay na kaniyang natutunan roon ay ang pagluluto sa Binulo. Ang pagluluto na ito ay nangangailangang balutin ang bigas sa dahon ng saging at matapos nito ay ilalagay naman ito sab oho. Sa loob ng 2 oras ay hahayaan itong maluto sa ibabaw ng apoy.

Likas na masayahin at palabiro si Jimmy, halatang mapagpakumbaba at simpleng tao lang din siya kung kaya naman kaagad na nagtiwala at nakampante sa kaniya ang mga katutubong Aeta. Sa katunayan ay nakapagsayaw pa nga sila ng sama-sama sa saliw ng kanilang sariling musika.

Nakakatuwang pagmasdan ang mga katutubong Aeta na mayroong magandang ngiti sa kanilang mga labi sa pagdalaw ng grupo ng sikat na komedyante.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media