Connect with us

Showbiz

Ivana Alawi, ipinakilala sa publiko ang diumano ay isa pa niyang kapatid na lalaki na si Ivan. Ikinagulat ito ng gusto ng kaniyang pamilya!

Published

on

Si Mariam Sayed Sameer Marbella Al-Alawi o mas nakilala at minahal natin sa screen name niyang Ivana Alawi ay 24 na taong gulang na Filipino-Moroccan actress, model, at YouTuber. Isa siya sa pinakasikat na vlogger ngayon sa bansa.

Photo credit: Ivana Alawi Youtube

Hindi lamang sa angkin niyang kagandahan at kaseksihan humanga ang publiko kundi maging sa kaniyang pagiging likas na matulungin sa kaniyang kapwa. Bagamat may kaya sa buhay ang kaniyang ama na isang Moroccan ay mulat sa buhay si Ivana at ang kaniyang mga kapatid na lumaki sa kaniyang ina.

Photo credit: Ivana Alawi Youtube

Nagkaroon kasi ng problema noon ang kaniyang mga magulang na naging dahilan ng kanilang paghihiwalay kung kaya naman maaga silang namulat sa hirap ng buhay at sa pagiging kumplikado ng mundong ating ginagalawan. Kung kaya naman ngayong may kakayahan na siyang makatulong sa kaniyang kapwa at talagang wala siyang pinapalampas na panahon upang gawin ang pagmamalasakit na ito sa ibang tao.

Photo credit: Ivana Alawi Youtube

Kung noon ay madalas niyang itampok sa kaniyang vlog ang kaniyang simpleng pamumuhay, ngayon ay mas marami na siyang ang video pranks, video ng pagkakawang-gawa at ilang mga video challenges. Para sa kaniyang latest video ay naitampok niya sa kaniyang vlog ang diumano ay pagpapakilala niya sa isa pa nilang kapatid na si Ivan Alawi.

Si Ivana rin ito na nagsuot lang ng panglalaking kasuotan at maiksing wig. Marami ding peke na tattoo ang kaniyang katawan.

Labis na nagulat ang kaniyang mga kapatid na sina Mona at Hash gayundin naman ang kaniyang ina. Ngunit tulad ng mga nauna na niyang vlogs ay batid na ng kaniyang pamilya ang pakulo niyang ito.

Photo credit: Ivana Alawi Youtube

Ilang minuto pa ang lumipas at nagyayang lumabas ang aktres. Nag-drive thru sila sa isang kilalang fast-food chain at nang hinihintay na nila ang kanilang mga inorder ay nagtawag ng ilang tao si Ivan at tinanong kung pogi ba siya.

Photo credit: Ivana Alawi Youtube

Sa bawat isang tao na magsasabing gwapo siya ay binibigyan niya ng Php500.00. Marami ding mga tao roon ang nagpakuha ng litrato kasama niya. Talaga namang marami ang natuwa kay Ivana dahil sa ginawa niyang ito.

At para sa susunod na challenge niya sa kaniyang kapatid na si Hash, nais niyang magtungo sila sa isang mall kung saan magpaparamihan sila ng makukuhang cellphone number ng mga “chicks”.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media