Connect with us

Showbiz

John Lloyd Cruz, binati ang newly engaged couple na sina Derek Ramsay at Ellen Adarna!

Published

on

Kung marami kang kilalang mga artista sa telebisyon o pelikula, tiyak na hindi ka na magugulat lalo na sa mahahabang listahan ng mga nakarelasyon nila na kapwa rin nila artista. Madalas ay nakakasaksi tayo ng mga magkakatambal on-screen na nauuwi sa kasalan ang relasyon habang marami din naman ang nauuwi lamang sa hiwalayan.

Image by Derek Ramsay via Instagram

Hindi na lingid sa kaalaman ng publiko ang naging kwento ng pag-iibigan noon nina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna na tila ba nagpatunay sa atin na kaya rin naman pala nating talikuran ang lahat para lamang sa pag-ibig. Biniyayaan sila ng isang anak, si Elias Modesto.

Ngunit tulad ng ilang mga kwento, nauwi rin sa hiwalayan ang kanilang pagsasama. Nananatili pa rin naman silang mga magulang para sa anak nilang si Elias.

Image by Derek Ramsay via Instagram

Samantala, nagulat rin ang publiko nang maging magkarelasyon sina Derek Ramsay at Andrea Torres na nagkamabutihan sa isang teleseryeng kanilang pinagbidahan. Nang mapabalita ang ginawang “marriage proposal” ni Derek para kay Ellen ay talagang marami ang nagtaas ng kilay.

Halos ilang linggo o buwan pa lamang nang maging usap-usapan ang kanilang pagkakamabutihan at ngayon nga ay agad na silang patungo sa pagpapakasal. Marami ang nasaktan para kina Andrea at John Lloyd dahil sa nakita naman ng publiko kung gaano nila minahal ang kanilang mga kasintahan noon.

Image by John Lloyd Cruz via Facebook

Ngunit sa ngayon nga ay masaya na rin at kuntento diumano sina Derek at Ellen sa isa’t-isa. Madalas din silang magbahagi ng sweet pictures nila online.

Kamakailan lamang nang kapanayamin ng DZRH ang aktor na si Derek ay sinabi niyang maayos ang relasyon nilang dalawa ni John Lloyd. Nakapag-usap na rin daw silang dalawa at binati pa nga raw sila ng aktor para sa kanilang nalalapit na pagpapakasal.

Pinuri din naman ni Derek ang aktor sa pagiging mabuting ama nito kay Elias.
“Maaga siya sumundo. Gising na ako. Nakita ko siya sa labas [then] lumabas naman ako para bumati. Bati din siya. Sabi niya, ‘Congratulations’,” Pahayag ni Derek.

“Si John Lloyd present father. He wants to be present… [Elias] needs his father as much as he needs me,” Dagdag pa niya.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media