Connect with us

Showbiz

“Cozy beach photos” nina Ellen Adarna at Derek Ramsay, usap-usapan ngayon ng mga netizens!

Published

on

Minsan nang naging kontrobersiyal ang pangalan ng aktres na si Ellen Adarna matapos nilang lisanin ni John Lloyd Cruz ang industriya ng show business kahit pa nga mayroon silang kasalukuyang proyekto noon sa isang sitcom sa ABS-CBN network. Agad na lamang silang nawala at nag-file ng “leave of absence” kung saan hindi rin nila kaagad sinabi ang tunay na dahilan ng mga ito.

Photo credit: maria.elena.adarna instagram

Lumipas pa ang ilang mga buwan at unti-unting lumalabas ang mga larawan ng dalawa na magkasama habang ang isa pang larawan ni Ellen ay kapansin-pansin na siya ay nagdadalang-tao. Sa ngayon ay hiwalay na ang dalawa at co-parent na lamang sila ngayon sa kanilang anak na si Elias Modesto.

Photo credit: maria.elena.adarna instagram

Ikinagulat din ng publiko ang mga bulong-bulungan noon patungkol sa pagkakamabutihan nina Ellen at Derek Ramsay na noon ay kakahiwalay lang din sa dati niyang nobya na si Andrea Torres. Bagamat nanatiling tahimik ang dalawa sa tunay na estado ng kanilang relasyon ay tuluyan na itong natuldukan nang yayain ng aktor si Ellen na magpakasal.

Photo credit: maria.elena.adarna instagram

Agad namang pumayag ang noon ay gulat na gulat pa na si Ellen. Kamakailan lamang ay muli na namang nagbahagi ng ilang mga larawan ang magkasintahan sa kanilang mga social media account.

Sweet na sweet ang dalawa sa kanilang “cozy beach photos”. Naghaharutan sila at talagang makikita ang pagiging sobrang komportable nila sa isa’t-isa.

Umani rin ito ng maraming mga reaksyon at komento mula sa publiko. Minsan nang naitanong kay Ellen kung bakit pumayag siya kaagad sa alok na kasal ni Derek sa maiksing panahon na nagkasama silang dalawa samantalang kay John Lloyd na ama ng kaniyang anak na si Elias ay hindi niya naisip na magpakasal.

Photo credit: maria.elena.adarna instagram

Para kay Ellen, nakilala at nakasama niya si Derek sa tamang panahon kung saan mas nakilala niya rin ang kaniyang sarili at mas naihanda upang magmahal at mahalin muli.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media