Connect with us

Showbiz

Gerald Anderson, nagulat sa pahayag ng nobyang si Julia Barretto na gusto na niyang magkaroon ng anak sa susunod na taon!

Avatar

Published

on

Bagamat hindi na nabigla ang publiko sa naging pag-amin nina Gerald Anderson at Julia Barretto patungkol sa kanilang tunay na relasyon ngayon bilang magkasintahan, marami pa rin ang nanggagalaiti dahil sa nagawa nilang saktan ang mga taong minsang nagmahal sa kanila ng husto para lamang sa pagnanais nilang matuloy ang relasyon nilang ito. Matatandaang naging kontrobersiyal pa nga ang relasyon ni Gerald at ng aktres na si Bea Alonzo dahil sa ginawang pang-go-ghosting diumano ng aktor sa dalaga.

Gayundin naman ay ang dating matamis na pag-iibigan nina Julia at Joshua Garcia na nauwi rin sa hiwalayan dahil umano sa napagkasunduan nilang mas makabubuti para sa kanilang dalawa. Sa ngayon nga ay madalas nang makita sin Gerald at Julia na magkasama, palagi ring namamataan ang isa’t-isa sa kanilang mga social media posts o maging sa kanilang mga YouTube videos.

Kamakailan lamang ay inimbitahan ni Gerald si Julia sa kaniyang YouTube channel. Naging guest niya ang dalaga dito ay ipinalabas ang vlog nilang ito noong Abril 22. Nagulat naman ang aktor nang sabihin ni Julia na nais niya nang magkapamilya sa susunod na taon, taong 2022.

Ito ang naging sagot ng dalaga matapos siyang tanungin ng kaniyang nobyo kung ano ang kaniyang plano sa susunod na lima hanggang sampung taon. Nagkukulitan at nagbibiruan pa ang dalawang nang tanungin ni Gerald, 32 taong gulang, si Julia na 24 na taong gulang pa lamang kung bakit ito ang kaniyang plano sa buhay.

Ayon naman sa aktres, noon pa man ay pangarap na niyang mamuhay ng simple at tahimik. Kung kaya naman nais niya talagang magkapamilya ng maaga. Lumaki kasi siya sa maingay at magulong mundo ng showbiz kung saan ang kaniyang mga magulang ay kapwa mga artista gayundin naman ang kaniyang mga tita.

Dagdag pa ni Julia, hindi lamang basta “housewife” ang gusto niya sa hinaharap kundi maging isang “boss housewife” na mayroong sarili nitong trabaho ngunit ang kaniya pa ring prayoridad ay ang kaniyang sariling pamilya.

Source: Youtube 


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media